Chinese Horoscope, Enero 24, 2021

875

DAGA (RAT)

Hindi mo lang napapansin pero may tao na nag-aabang na mapansin mo. Hindi mo ito inaasahan at maaaring hindi mo mapaniwalaan pero totoo na may pagtingin siya sa’yo at humahanap lang siya ng tiyempo.

Masuwerteng numero; 9,10,11,13

BAKA (OX)

Huwag mong pigilan ang isang tao kung gusto na niyang lumayo. Hindi rin magiging matamis ang inyong pagsasama kung dadaanin mo ito sa pwersahan. Kung hindi na siya masaya sa’yo ay pakawalan mo na siya at hayaang lumigaya sa iba. May laan para sa’yo.

Masuwerteng numero; 3,14,27,29

TIGRE (TIGER)

Wala kang mapapala sa pagtambay mo sa kalsada. Maraming oras lang ang masasayang. Sapat na ang saglit na pagtambay bilang pahinga at pagkatapos ay gawin mo na ang dapat mong gawin upang magamit mo ang oras ng tama.

Masuwerteng numero; 38,55,78,79

KUNEHO (RABBIT)

Mapupuno ka ng alalahanin dahil sa mga nakabinbin na trabaho kaya naman ang pagbabakasyon mo ay hindi lubusang magiging masaya sa dami ng iyong inaalala. Ang lahat ay makakaya mo namang solusyunan, pag-isipan mo lang na mabuti.

Masuwerteng numero; 1,5,12,30

DRAGON (DRAGON)

Huwag mo nang hintayin na kumilos pa ang iyong mga kasamahan. Kung alam mo na ang gagawin at meron ka ng idea, sabihin mo na ito sa kanila at gawin mo na ang part mo bilang bahagi ng inyong linya nang sa gayon ay mabawasan ang inyong problema.

Masuwerteng numero; 7,8,19,20

AHAS (SNAKE)

Isang sikreto ang matutuklasan mo tungkol sa totoong ugnayan ng dalawa mong kaibigan. Huwag mong hayaan na sa’yo pa manggaling ito patungo sa kaalaman ng iba. Sikapin mo na mapigilan ang iyong sarili sa pagsisiwalat nito.

Masuwerteng numero; 5,16,33,46

KABAYO (HORSE)

Hindi ka makakapagpasya agad-agad tungkol sa isang mahalagang usaping pampamilya dahil magulo pa ang iyong isip. Mas makakabuti kung magpapahinga ka na lang muna at matutulog nang sa gayon ay marefresh ang iyong utak.

Masuwerteng numero; 4,12,25,30

TUPA (SHEEP)

Masisiyahan ka sa pakikitungo sa’yo ng mga kamag-anak ng bago mong karelasyon. Mararamdaman mo ang kanilang sinseridad sa mabuti at maayos na pag-estima nila sa’yo. Nararapat lang na suklian mo ang kagandahan ng kanilang loob.

Masuwerteng numero; 16,20,31,70

UNGGOY (MONKEY)

Magiging espesyal ang araw na ito dahil sa hindi inaasahang pagdating ng kaibigang magmumula pa sa malayong lugar. Estimahin mo siyang mabuti dahil magandang balita ang hatid niya para sa’yo at sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 19,37,45,68

TANDANG (ROOSTER)

May matututunan ka ngayong araw na ito at magugulat ka dahil ito ay magmumula sa tao na itinuturing mong kaaway. Huwag magpahalata na sobra kang apektado. Kumilos ng normal at magpakumbaba hangga’t maaari.

Masuwerteng numero; 17,22,40,55

ASO (DOG)

Mas magiging makabuluhan ang araw na ito para sa’yo kaysa sa nagdaang mga araw. Isang tao ang gagawa ng espesyal na bagay na siyang ikakatuwa mo. Huwag mong kakalimutang magpasalamat at magbahagi ng iyong blessings.

Masuwerteng numero; 18,20,42,54

BABOY (PIG)

Hayaan mo lang silang pag-usapan ka. Walang mawawala sa’yo at hindi maaapektuhan nito ang pagkatao mo kung hindi mo sila papatulan. Ipagpatuloy mo lang ang iyong pagsisikap at magpokus ka sa gusto mong marating.

Masuwerteng numero; 12,24,26,30

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here