Chinese Horoscope; Enero 24

272

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Hangga’t maaari ay iwasan mo ang isang tao na pinagseselosan ng iyong kabiyak. Hindi ito kalabisan o paghihigpit kundi tingnan mo na lang ito bilang respeto sa kanyang nararamdaman para na rin sa ikakabuti ng inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 1.4,13,15

BAKA (OX)

Yung akala mo ay wala na talagang pag-asa na maging kayo pero bigla na lang siyang magpaparamdam at aaminin sa’yo ang isang bagay na labis mong ikatutuwa. Pero sa kabila nito ay meron ka pa ring mga dapat isaalang-alang.

Masuwerteng numero; 4,6,10,17

TIGRE (TIGER)

Ikaw pa rin ang masusunod sa pagdedesisyon kung mga anak mo na ang pag-uusapan. Huwag mong hayaan na makapangyari ang ibang tao lalo na at alam mo naman na hindi totoo ang kanilang concern kundi para lamang sa sarili nilang motibo.

Masuwerteng numero; 5,15,17,20

KUNEHO (RABBIT)

Sa araw na ito ay mapupuno ka sa isang pasaway na kaibigan. Hindi mo na masasakyan ang drama niya sa buhay kaya naman harapan mo nang ipapamukha sa kanya ang dapat lang niyang gawin at ang limitasyon niya.

Masuwerteng numero; 13,18,26,28

DRAGON (DRAGON)

Maaliwalas ang takbo ng negosyo sa araw na ito. Kaya naman maaga pa lang ay magiging maganda na ang mood mo. Madodoble pa ang swerteng papasok sa’yo ngayon dahil maganda ang awra mo sa buong maghapon.

Masuwerteng numero; 1,2,3,4

AHAS (SNAKE)

Hindi ka mapapakali sa araw na ito dahil sa isang tao na maglalahad sa’yo ng kanyang problema. Mag-aalala ka ng sobra dahil ang pinagdadaanan niya ngayon ay posible mo ring pagdaanan dahil sa hindi nalalayo ninyong sitwasyon sa buhay.

Masuwerteng numero; 50,51,54,61

KABAYO (HORSE)

Masaya ang magiging araw mo sa trabaho dahil makakasundo mo ang mga bago mong kasamahan. Kaya kahit na gaano pa kabigat ang trabaho nyo ngayon ay mapapagaan ito ng bawat isa. Magki-click ang inyong samahan.

Masuwerteng numero; 3,4,11,12

TUPA (SHEEP)

Kaaaliwan mo ang isang dati ng kakilala dahil sa kanyang mga bagong kuwento. At hindi mo mamamalayan ang unti-unti niyang pagpasok sa puso mo. Sa araw na ito magsisimula ang lahat kaya bantayan mo ang iyong damdamin.

Masuwerteng numero; 14,16,18,21

UNGGOY (MONKEY)

Dahil sa mga sunud sunod na disappointments nitong mga huling araw ay hindi mo maiiwasan na makaramdam ng kalungkutan. Subalit ang kalungkutang ito ay handang pawiin ng isang tao na espesyal sa’yo.

Masuwerteng numero; 10,11,15,19

TANDANG (ROOSTER)

Masuwerte ka at napasa’yo ang posisyon sa trabaho na matagal mo ng hinahangad. Pero dahil hindi mo pa ito gamay ay mangangapa ka pa sa dapat mong gawin at kakailanganin ang tulong ng iba bago ka maging komportable rito.

Masuwerteng numero; 47,52,54,69

ASO (DOG)

Mawawalan ka ng oras sa iyong mahal dahil sa labis mong kaabalahan sa trabaho. Dahil dito ay iisipin niyang hindi na siya mahalaga tulad ng dati. Pero wala kang choice, mas kailangan mong bigyan ng prayoridad ang trabaho mo sa ngayon.

Masuwerteng numero; 25,26,28,29

BABOY (PIG)

Pansamantala kang mapapalayo sa iyong mga kaibigan dahil sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Wala kang magagawa kundi tanggapin ang pangyayaring ito na maari ring bumago sa inyong samahan sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 11,14,20,27

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 24, 2020
Next articleLUCKY FRUIT AND FLOWER PARA SA PAGSALUBONG SA CHINESE NEW YEAR

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here