Chinese Horoscope, Enero 23, 2020

825

DAGA (RAT)

Maaliwalas ang araw na ito para sa’yo. Makakaramdam ka ng kakuntentuhan sa piling ng iyong mahal. Yung tipong hindi mo kaiinipan ang paglipas ng bawat sandali at mag-eenjoy ka lang kasama siya sa bawat oras.

Masuwerteng numero; 11,13,23,36

BAKA (OX)

Sasablay ang iyong mga plano sa pagkakataong ito.Mas makakabuti kung mag-iisip ng bagong strategy. Kailangan mong pag-isipan ultimo kaliit liitang detalye nang sa ganon ay maiwasan ang pagkakamali at nang makabangong muli.

Masuwerteng numero; 50,56,69,75

TIGRE (TIGER)

Ang kakulangan nya sa’yo nitong mga nagdaang araw ay mapupunan niya ngayong araw na ito. Kaya naman hindi mo maiiwasang kiligin kahit pa hindi na bagay sa inyong edad. Masaya ang buong maghapong lilipas kasama ang mahal.

Masuwerteng numero; 12,14,38,44

KUNEHO (RABBIT)

Makakaramdam ka ng pagsama ng loob dahil hindi ka mapagbibigyan ng isang kaibigan sa iyong kahilingan. Gayunpaman, hindi ka dapat masyadong malungkot dahil babawi siya sa’yo sa susunod na araw.

Masuwerteng numero; 4,15,16,18

DRAGON (DRAGON)

Wala kang suwerte ngayon sa sugal kaya’t hangga’t maaari ay iwasan mo ito. Wala rin itong mabuting maidudulot sa’yo sa mga susunod na araw kaya ngayon pa lang ay umpisahan mo nang iwasan ang ganitong uri ng libangan na mas lamang ang talo kaysa panalo.

Masuwerteng numero; 8,19,22,37

AHAS 9 (SNAKE)

Maalwan ka sa pera ngayon. Masuwerte ka at wala kang masyadong gastusin at hindi rin ganon kataas ang mga bills na iyong pagbabayaran. Sa kabila nito ay gumasta pa rin ng tama at huwag kalimutan ang magtabi para sa oras ng pangangailangan.

Masuwerteng numero; 46,48,56,69

KABAYO (HORSE)

Papabor sa’yo ang araw na ito. Magiging mahirap para sa mga taong kumakalaban sa’yo ang i-knock down ka. Malakas ang pwersa mo ngayon at kakasihan ka ng iyong kapalaran kaya naman dapat mo itong ipagpasalamat sa Diyos.

Masuwerteng numero;12,23,25,26

TUPA (SHEEP)

Huwag kang mainip na matagpuan ang iyong soulmate. Bata ka pa at marami pang pangyayari sa buhay ang mapagdadaanan mo bago magtagpo ang inyong landas, kaya’t i-enjoy mo na lang muna ang bawat sandaling lumilipas.

Masuwerteng numero; 1,4,7,9

UNGGOY (MONKEY)

Ikaw ang hinihintay nilang magdesisyon tungkol sa bagay na may kinalaman sa  lupa. Pag-isipan mo itong mabuti dahil kung may nagtitiwala sa’yo ay meron din namang nag-aabang sa iyong magiging pagkakamali.

Masuwerteng numero; 19,22,33,45

TANDANG (ROOSTER)

Ang patas na pagtingin mo sa iyong mga anak ang magiging basehan nila sa iyong pagmamahal kaya’t sikapin mo na walang kilingan o kampihan sa mga pagkakataon na nagkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

Masuwerteng numero; 10,18,27,30

ASO (DOG)

May kalabuan pang mangyari ang hinahangad mo. Kung inaakala mong wala ng hadlang ay nagkakamali ka. Marami pang kalat kayong dapat linisin at marami pang bagay kayong dapat ayusin bago mo masabing “It’s all cleared”.

Masuwerteng numero; 15,28,30,31

BABOY (PIG)

Magkakaroon ka ng pagkakataon para ipaliwanag ang mga naunawaan mo sa pinagdaraanan ng isang malapit na kamag-anak. Sikapin mo na mabigyan siya ng tamang paghusga upang kahit sa ganoong paraan ay makatulong ka sa kanya.

Masuwerteng numero; 19,20,24,35

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here