Chinese Horoscope, Enero 22, 2021

604

DAGA (RAT)

Hindi masama na muling lumapit sa iyong mga magulang para humingi ng tulong. Sa lahat ng tao sa mundo sila pa rin ang mga magulang mo na higit na makakaunawa sa iyong sitwasyon at sa problemang pinagdaraanan mo.

Masuwerteng numero; 25,57,60,69

BAKA (OX)

Alam na alam mo na dapat ka nang bumitaw sa isang relasyon na wala ng patutunguhan subalit mananatili kang nakakapit kahit pa harap harapan mo nang nakikita ang katotohanan. Pag-isipan mong mabuti ang iyong desisyon.

Masuwerteng numero; 19,20,36,58

TIGRE (TIGER)

Magkakamali ka ng akala sa isang tao. Kung dati ay iniisip mo na hindi siya mabuting tao, ngayong araw na ito ay mapapatunayan niya sa’yo ang kabutihan ng kanyang loob kaya naman deep inside ay kakainin mo ang iyong mga sinabi.

Masuwerteng numero; 13,24,25,65

KUNEHO (RABBIT)

Magugulat ka sa isang rebelasyon na malalaman mo ngayon mula sa isang kaibigan. Isang tao na hinahangaan mo ang humahanga rin sa’yo at labis mo itong ikakatuwa. Walang pagsisidlan ang iyong saya sa araw na ito at mararamdaman mo na para kang lumulutang sa ulap.

Masuwerteng numero; 6,20,26,30

DRAGON (DRAGON)

Mawawalan ng saysay ang mga pinaghirapan mo nitong mga nakaraang araw kung hindi mo ito ipagpapatuloy. Konting push lang sa sarili at motibasyon para matapos mo ito at nang makita mo na ang magandang resulta.

Masuwerteng numero; 18,29,30,51

AHAS (SNAKE)

Kahit na hindi ka sabihan ay gagawin mo pa rin ang iyong best para sa trabaho. Subalit sadyang may mga tao na hindi nakaka-appreciates ng mga magagandang nagagawa ng kapwa kung ito ay maliit lang para sa kanila lalo na kung wala silang mapapala.

Masuwerteng numero; 23,67,68,73

KABAYO (HORSE)

Bilog ang mundo at sa araw na ito ikaw ay pansamantalang mapupunta sa ilalim. Habang ikaw ay nasa hindi magandang sitwasyon, pag-isipan mo na ang iyong mga susunod na hakbang upang ikaw naman ay muling mapunta sa itaas.

Masuwerteng numero; 8,19,33,56

TUPA (SHEEP)

Araw ito ng pagtitiis at paghihigpit sa budget. Hindi magiging maganda ang daloy ng pananalapi sa iyong mga kamay kaya’t kakailanganin mong bitawan ang mga bagay na hindi mo pa kakailanganin sa ngayon upang makaraos ka.

Masuwerteng numero; 5,15,26,37

UNGGOY (MONKEY)

Kung meron mang tao na dapat mong pagkatiwalaan sa sitwasyon mo ngayon, iyon ay walang iba kundi ang iyong sarili. Wala kang maaasahan ngayon mula sa mga itinuturing mong kaibigan dahil abala rin silang lahat sa kanilang buhay.

Masuwerteng numero; 1,2,6,9

TANDANG (ROOSTER)

Ito ang araw na gugustuhin mong mapag-isa sa bahay. Hahanap-hanapin mo ang katahimikan na sa probinsya mo lang natatagpuan. Hahanap hanapin mo rin ang kapayapaan ng iyong isip na hindi mo na maramdaman sa ngayon.

Masuwerteng numero; 13,21,28,40

ASO (DOG)

Kukulangin ka ng oras sa iyong mahal dahil sa kaabalahan mo sa ibang bagay kaya naman kung anu-ano ang papasok sa isip niya. Wala kang dapat ipag-alala as long as wala kang ginagawang masama. Nasa kanya ang problema.

Masuwerteng numero; 20,34,45,56

BABOY (PIG)

May kaalatan ang araw mo ngayon sa trabaho. Marami kang paperworks na mabibinbin dahil may mga kailangan ka pang unahin kahit dapat ay nagpapahinga ka ngayon. Kaya naman ang buong maghapon mo ay magiging sobrang abala at nakatuon lahat sa trabaho.

Masuwerteng numero; 12,29,30,40

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here