Chinese Horoscope Enero 20, 2021

989

DAGA (RAT)

Wala kang magagawa sa problemang kinakaharap ngayon ng isang kaibigan. Gaano mo man gustuhin na matulungan siya, tulad niya ay nangangailangan ka rin ng tulong. Mas makakabuti kung ipagdarasal mo na masolusyunan pareho ang problema nyo.

Masuwerteng numero; 19,34,48,59

BAKA (OX)

Hindi mo gusto ang balak niyang paglayo. Pero hindi mo rin gugustuhin na maging hadlang sa kanyang mga pangarap.Kaya naman kahit pa masakit sa kalooban mo ay rerespetuhin mo ang kanyang desisyon tulad ng inaasahan niya sa’yo.

Masuwerteg numero; 11,30,42,45

TIGRE (TIGER)

Wala kang panahon sa mga nagpapalipad hangin sa’yo. Mas gusto mong ituon ang atensyon mo sa trabaho at sa mga bagay na nagpapasaya sa’yo kaysa sa pag-ibig. Masaya ka sa iyong pag-iisa at ayaw mong magpa-destruct sa iba.

Masuwerteng numero; 19,20,21,26

KUNEHO (RABBIT)

Hindi ka tatantanan ng stress ngayong araw na ito. Gayunpaman, hindi ikaw ang tipo ng tao na agad sumusuko. Kahit pa bigat na bigat ka na ay kakayanin mo pa rin ang laban. Lakas ng katawan at talas ng isipan ng iyong sandata.

Masuwerteng numero; 18,29,30,46

DRAGON (DRAGON)

Magiging abala ka ngayon sa mga gawaing bahay. Kahit gustuhin mo pang magbabad sa social media o kaya ay magpahinga, hindi mo magagawa dahil hindi mo magagawang iwanan ng nakatengga ang mga gawaing bahay.

Masuwerteng numero; 20,33,35,68

AHAS (SNAKE)

Medyo mailap sa’yo ngayon ang suwerte. Pero hindi ka rin naman lalapitan ng malas. Balanse lang  sa positibo at negatibo ang araw na lilipas kaya wala kang dapat ipag-alala. Ipagpatuloy lang ang pagdarasal at pasasalamat sa Diyos.

Masuwerteng numero; 28,35,47,50

KABAYO (HORSE)

Isang kaibigan ang lalapit sa’yo para magpaliwanag sa isang hindi magandang pangyayari noong nakaraang araw. Sa wakas ay maiintindihan mo na rin ang puno’t dulo ng mga kaganapan kaya’t makakapagbigay ka na rin ng opinyon.

Masuwerteng numero; 13,14,65,66

TUPA (SHEEP)

Makakarinig ka ng mga salita mula sa iyong mahal sa buhay na magiging palaisipan para sa’yo. Wala kang maisip na dahilan para masabi niya ito kaya buong maghapon ay magiging laman ito ng isipan mo. Hindi mo tatangkain na tanungin siya tungkol dito.

Masuwerteng numero; 56,68,79,80

UNGGOY (MONKEY)

Mabibigyan ka ngayon ng pagkakataon sa trabaho na maipakita ang iyong abilidad. Gawin mo ang nararapat. Iwasan mong magpadikta sa iba dahil pagkakataon mo ito na kailangan mong angkinin kasabay ng pagpapakumbaba.

Masuwerteng numero; 12,20,33,61

TANDANG (ROOSTER)

Magiging malambing sa’yo ngayon ang iyong karelasyon. Iisipin mong meron lang siyang gustong hilingin sa’yo kaya niya ito ginagawa. Pero wala kang dapat ipag-alala, nasa mood lang talaga siya na maglambing sa’yo ngayong araw.

Masuwerteng numero; 25,34,5,78

ASO (DOG)

Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mong pagtulong sa isang kamag-anak na nasa kagipitan ngayon. Diyos ang magbabalik sa’yo ng good karma. Hindi mo man ito asahan ay kusa niya itong ibibigay sa’yo dahil sa iyong pagmamagandang loob.

Masuwerten numero; 9,10,11,13

BABOY (PIG)

Huwag magpapadala sa mga sabi-sabi hangga’t wala pang napapatunayan. May tenga ang lupa, may pakpak ang balita pero hindi lahat ng balitang nakakarating sa’yo ay sakto sa pinagmulan at sakto sa katotohanan.

Masuwerteng numero; 12,27,30,42

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here