Chinese Horoscope; Enero 20

93

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Maganda ang magiging resulta ng gagawin mong pagbabakasakali sa isang hindi malinaw na oportunidad. Dahil sa pagbabakasakali mong ito ay isang tunay at malaking oportunidad ang mapapasakamay mo.

Masuwerteng numero; 11,14,20,22

BAKA (OX)

Sa isang iglap ay mababago ang buhay mo dahil sa isang lihim na mabubunyag. Sa kabila nito ay piliin mo pa rin ang manahimik at piliin lang din ang mga tao na pagkakatiwalaan mo. Sundin mo ang iyong instinct.

Masuwerteng numero; 24,35,38,41

TIGRE (TIGER)

Isa sa mga pinoproblema mo ang mabibigyan ng solusyon sa araw na ito. Kahit papa’no ay makakaramdam ka na rin ng kaluwagan sa dibdib. Unti-unti ay masosolusyunan mo na rin ang iba pa sa ibang araw.

Masuwerteng numero; 2,4,5,9

KUNEHO (RABBIT)

Makakalaya ka na sa anino ng iyong karelasyon dahil siya na rin mismo ang magbibigay nito sa’yo. Bago tugunan ang kanyang aksyon ay mag-isip na munang mabuti. Ito na ang matagal mo nang hinihintay na pagkakataon sa buhay mo.

Masuwerteng numero; 13,17,22,32

DRAGON (DRAGON)

Sa kabila ng mga nangyayari ngayon sa buhay mo ay meron pa ring tao na handang magpangiti sa’yo. Siya ang magsisilbing tagabalanse ng positibo at negatibong nararanasan mo ngayon sa iyong buhay kasama ang iyong mga kaanak.

Masuwerteng numero; 15,19,34,40

AHAS (SNAKE)

Kahit kailangan mo nang magpahinga ay mananatili kang abala sa iyong paghahanapbuhay. Ito pa rin ang gagawin mong prayoridad dahil alam mo ang pangangailangan ng sarili mong pamilya at ito ang mahalaga.

Masuwerteng numero; 43,53,60,67

KABAYO (HORSE)

Maiiwan ka ngayon sa ere ng isang kaibigan dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari. Kailangan mo siyang unawain dahil ito lang ang tulong na magagawa mo para sa kanya. Maging bukas ang isipan sa mga ganitong pagkakataon.

Masuwerteng numero; 38,49,51,68

TUPA (SHEEP)

Wala kang mapagpipilian kundi hayaan ang iyong karelasyon sa kanyang gusto. Hindi mo siya dapat pigilan kung ayaw mong magmukhang kontrabida sa mata ng kanyang mga kaanak. Maari nyo itong madaan sa magandang usapan.

Masuwerteng numero; 21,24,25,37

UNGGOY (MONKEY

Hindi pa ito ang tamang panahon para sa pangingibang bansa. Alisin mo na muna ito sa iyong isipan dahil hindi pa ito ilalaan sa’yo ng tadhana mo. Ang kapalaran mo ay iikot pa sa kung saan ka naroon ngayon.

Masuwerteng numero; 66,69,77,82

TANDANG (ROOSTER)

Pag-aralan mo na kumalma sa kahit na anong mahirap na sitwasyon. Mas makakapag-isip ka ng mabuti kung ikaw ay matututong magpakahinahon. Ito ang magsasalba sa’yo sa mga mabibigat na problema at pangyayari.

Masuwerteng numero; 7,9,14,15

ASO (DOG)

Kukulangin ka sa budget ngayong araw dahil sa biglaang gastos. Kaya mapipilitan ka na galawin ang iyong natatabi na inilalaan mo sana para sa ibang bagay. May pagkakataon ka pa naman para magsimula ulit.

Masuwerteng numero; 50,51,60,61

BABOY (PIG)

Ang pagpayag mo sa ginagawa sa’yo ng iyong karelasyon ay tanda na gusto mo rin ito kaya naman magdadalawang isip kang iwanan siya. Sa kabila ng mga pagtutol ng pareho ninyong partido ay mananatili ka sa kanya.

Masuwerteng numero; 33,35,45,50

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here