Chinese Horoscope; Enero 19

98

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

May hatid na suwerte para sa’yo ang araw na ito. Saan mang bagay at aspeto ay magiging mabait sa’yo ang iyong kapalaran. Samantalahin mo ang mga ganitong bibihirang pagkakataon, huwag lang manamantala ng ibang tao.

Masuwerteng numero; 10,12,15,20

BAKA (OX)

May magbabago sa pakikitungo sa’yo ng isang kaibigan. Hindi mo man marinig mula sa kanyang bibig ang dahilan ng kanyang panlalamig ay mararamdaman mo naman ito sa kanyang mga gagawing pagkilos.

Masuwerteng numero; 36,48,49,52

TIGRE (TIGER)

Malalaman mo na ang tunay na nararamdaman niya at matitiyak mo na hindi ikaw ang nilalaman ng kanyang puso. Ito na ang oras para palayain mo ang sarili mula sa iyong mga ilusyon na ikaw ang itinatangi niya.

Masuwerteng numero; 10,13,17,19

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo maiiwasan na hindi kabahan para sa kalagayan ng iyong mga mahal sa buhay na nasa isang lugar na peligroso ngayon dahil sa nangyaring pagputok ng bulkan. Hindi ka matatahimik hangga’t hindi mo sila nakokontak.

Masuwerteng numero; 43,46,55,60

DRAGON (DRAGON)

Ikaw ang aasahan ngayon ng iyong pamilya para sa pagresolba ng problemang may kinalaman sa pera. Wala kang mapagpipilian kundi gumawa ng paraan sa abot ng iyong makakaya dahil alam mong ikaw lang ang makakapitan nila.

Masuwerteng numero; 71,73,76,80

AHAS (SNAKE)

Ikakatuwa mo ang balitang makakarating sa’yo na bitbit ng isang bisitang darating mula pa sa malayong lugar. Hindi mo na inaasahan na darating pa sa buhay mo ang ganitong klaseng suwerte kaya masosorpresa ka talaga.

Masuwerteng numero;68,69,71,72

KABAYO (HORSE)

May pagkakataon ka pa para baguhin ang iyong naunang pasya. Sundin mo kung ano ang sinasabi ng iyong instinct dahil ito ang mas makakabuti para sa’yo. Iwasan ang makinig sa iba tulad ng lagi mong ginagawa.

Masuwerteng numero; 40,41,45,57

TUPA (SHEEP)

Isang mahalagang bagay ang mawawala sa’yo ngayong araw. Hindi mo agad ito mamamalayan dahil sa ibang bagay na pinagkakaabalahan mo. Sa oras na ito ay malaman mo na tiyak na masisira na ang maghapon mo.

Masuwerteng numero; 12,15,24,26

UNGGOY (MONKEY)

Magandang araw ito para sa isang paglalakbay. Bagamat magkakaroon ka ng pagdadalawang isip dahil sa kakulangan ng iyong budget ay mananaig pa rin sa’yo ang kagustuhan mo na mapuntahan ang isang lugar.

Masuwerteng numero; 4,8,19,20

TANDANG (ROOSTER)

Hindi magiging sapat ang lahat ng effort mo para pagtibayin ang inyong relasyon. Ika nga it takes two to tango. Kung ikaw lamang ang gagawa nito ay hindi ka magtatagumpay kaya dapat kang mag-isip ng mabuti.

Masuwerteng numero; 1,3,6,9

ASO (DOG)

Papaboran ka ngayon ng tadhana sa mga nais mong gawin. Maging sa’yong buhay pag-ibig ay papaboran ka ng kapalaran. Ikaw pa rin ang iisipin niya. At hanggang sa panaginip ay madadala mo ang magandang araw.

Masuwerteng numero; 21,25,30,32

BABOY (PIG)

Makakaramdam ka ng hindi maganda sa katawan subalit hindi mo ito masyadong iindahin dahil nasa tabi mo ang iyong mahal na aalalay sa’yo sa anumang oras at sitwasyon na kailanganin mo siya sa tabi mo

Masuwerteng numero; 42,59,63,69

SHARE
Previous articleANG MGA KAMIKAZE DOLPHINS NG BANSANG IRAN
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 19, 2020

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here