Chinese Horoscope; Enero 15

0
191

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Hindi mo na bibigyan pa ng halaga kung ano ang mga nagawa niya sa nakalipas. Mas importante sa’yo ang effort na ginagawa niya ngayon at gagawin pa lang para sa’yo. Ang pagtanggap sa kanyang kahinaan ay magdudulot sa’yo ng kapayapaan.

Masuwerteng numero; 7,9,10,12

BAKA (OX)

Mahihirapan kang kumbinsihin ang nakatataas sa’yo sa trabaho para pumayag siya sa nais mong proyekto. Hindi dahil sa hindi niya gusto ang ideya mo kundi sadyang marami lang bubuyog sa paligid niya na nakakahadlang sa mga plano mo.

Masuwerteng numero; 1,3,4,15

TIGRE (TIGER)

Malalaman mo ngayon kung bakit pakiramdam mo ay mabigat na mabigat ang dugo sa’yo ng isang tao kahit wala ka namang ginagawang masama sa kanya. Ito ay may kinalaman sa kanyang pagseselos sa isang tao na nagiging malapit sa’yo.

Masuwerteng numero; 8,12,20,22

KUNEHO (RABBIT)

Mapipilitan kang makipag-ayos sa isang kaibigan na matagal na panahon mo ring nakaalitan. Ito ay dahil mamamagitan sa inyo ang isa ring kaibigan na parehong malapit sa inyong dalawa ngayon. Makakabuti ito pareho para sa inyo.

Masuwerteng numero; 3,6,17,18

DRAGON (DRAGON)

Magbabalak ka ng isang malayuang paglalakbay kasama ang iyong mga mahal sa buhay. Ito ay upang pansamantala kang makawala sa stress mula sa nakakapagod na trabaho. Matutuloy ang iyong balak pero matatagalan pa.

Masuwerteng numero; 9,20,26,30

AHAS (SNAKE)

Maganda ang suwerteng ihahatid sa’yo ngayon ng ihip ng hangin. Ang maganda mong awra at pagiging positibo ang siyang aakit sa suwerte na hindi mapipigilan ninuman. Kusa itong dadapo sa iyong mga palad.

Masuwerteng numero; 7,18,22,23

KABAYO (HORSE)

Pilit mo mang iwasan ay mananaig pa rin sa’yo ngayon ang inggit sa isang tao na malapit sa’yo. Bagamat masaya ka para sa kanya , deep inside ay mahihiling mo na sana ay makamtan mo rin ang mga biyayang nasa kanya ngayon.

Masuwerteng numero; 5,16,18,21

TUPA (SHEEP)

Magiging masaya at makulay ang bawat oras na lilipas sa buong maghapon mo dahil nasa tabi mo ang iyong mahal. Maganda ang inyong magiging bonding dahil marami kayong mapagkukuwentuhan kabilang na ang inyong future.

Masuwerteng numero; 14,25,29,30

UNGGOY (MONKEY)

Magpapatuloy ang paninira sa’yo ng lihim mong kaaway sa iyong likuran. Magagawa niya ang gusto niyang gawin. Sa kabila nito, ang pananalig mo sa Diyos at ang mabuti mong puso ang iyong magiging matibay na sandata laban sa kanya.

Masuwerteng numero; 2,4,15,17

TANDANG (ROOSTER)

Malapit ka ngayon sa tukso. Ito ay dahil sa pagbibigay mo ng pagkakataon sa isang tao na maging malapit sa’yo sa paraang gusto niya. Alam mo na hindi na ito pwede kaya alam mo na rin kung ano ang dapat mong gawin.

Masuwerteng numero; 8,19,22,26

ASO (DOG)

Mabibigyan ka ng chance na gawin ang isang bagay na matagal mo ng gustong gawin at pasasalamatan mo dito ang isang mabuting kaibigan. Gayunpaman, may mga tao pa rin na pipigilan ka sa iyong mga kagustuhan.

Masuwerteng numero; 6,7,18,19

BABOY (DOG)

Mangyayari ang gusto mong mangyari ngayong araw. Makukuha mo ang pahinga na matagal mo nang inaasam. Mananatili ka sa loob ng iyong tahanan at nanamnamin ang bawat oras na maigugugol mo sa iyong higaan.

Masuwerteng numero;1,11,13,17

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here