Chinese Horoscope Enero 15, 2021

1079

DAGA (RAT)

Isang malapit na kamag-anak ang makakausap mo nang masinsinan tungkol sa isang maselang bagay na may kinalaman sa inyong pamilya. Sikapin na maging positibo sa kabila ng mga negatibong pangyayari upang maging lakas ka ng iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 8,18,20,35

BAKA (OX)

Magiging maligalig ang araw mo dahil sa pagdating ng mga magugulong bisita. Mapupuno ang bawat oras ng kuwentuhan na may kasamang halakhakan. Isang magandang alaala ang mabubuo ninyo sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 12,13,20,33

TIGRE (TIGER)

Makakaramdam ka ng pagkabalisa dahil sa hindi pagpaparamdam ng iyong mahal. Wala kayong naging away o kahit na anong hindi pagkakaintindihan kaya ikababahala mo ang hindi niya pagpunta o pagtawag man lang sa’yo.

Masuwerteng numero; 25,28,46,50

KUNEHO (RABBIT)

Isang magandang pagkakataon ang mapapasa’yo ngayon at ito ay may kinalaman sa iyong trabaho. Maganda ang proyektong matotoka sa’yo kaya huwag mong palalampasin ang pagkakataon dahil bihira lang ito.

Masuwerteng numero; 31,42,56,58

DRAGON (DRAGON)

Hindi man umamin ang isang tao sa’yo ay mapapansin mo pa rin mula sa kanyang kilos at galaw ang pagtatangi niya sa’yo. Lihim man ang kanyang paghanga ay hindi ito makakaligtas sa lakas ng iyong instinct.

Masuwerteng numero; 6,17,37,61

AHAS (SNAKE)

Maguguluhan ka pero wala kang ibang maaasahan kundi ang sarili mo. Ikaw lang ang makakapagdesisyon sa kung anuman ang pinagdaraanan mo ngayon. Maaari lamang lumala ang iyong sitwasyon kung aasa ka sa iba.

Masuwerteng numero; 4,15,30,35

KABAYO (HORSE)

Pangkaraniwan lang ang araw na ito para sa’yo. Tulad pa rin ng iyong araw-araw na routine. Walang anumang pagbabago ang magaganap. Ipagpapasalamat mo pa rin ang mabuting kalusugan at kaligtasan ng buo mong pamilya.

Masuwerteng numero; 8,9,10,14

TUPA (SHEEP)

Isang alaalal ang babalikan mo dahil sa isang bagay na magpapaalala sa’yo dito. Wala namang masama sa paggunita ng mga alaala, maganda man ito o may kapaitan, ang mahalaga ay hindi mo nakakalimutan ang aral na nakuha mo mula rito.

Masuwerteng numero; 11.23,29,40

UNGGOY (MONKEY)

Isa na namang bagong oportunidad ang makukuha mo sa araw na ito. Maging mapagpakumbaba at huwag kakalimutang magpasalamat sa Maykapal. Marami pang kasunod ang oportunidad na ito sa mga susunod na araw.

Masuwerteng numero; 10,23,45,60

TANDANG (ROOSTER)

Walang mapagsisidlan ang iyong tuwa sa matatanggap mong balita. May kinalaman ito sa inaaplayan mong trabaho. Ito na ang pagkakataon na matagal mo nang hinihintay kaya maging maingat sa paghawak nito.

Masuwerteng numero; 7,15,26,57

ASO (DOG)

Ikaw lang ang hinihintay niyang magpasya para sa inyong relasyon. Huwag maging tanga. Pag-isipan mo ang bawat pangyayari na nagdaan sa inyong pagsasama at timbanging mabuti ang kabutihan at di kabutihang naidulot nito sa’yo.

Masuwerteng numero; 1,2,30,59

BABOY (PIG)

Ikaw ang magiging takbuhan ngayon ng isang kaibigan na minsan nang nagtraydor sa’yo. Pero hindi ka dapat gumanti. Ibuka mo ang iyong mga palad para sa kanya at mare-realize niya ng kusa ang kanyang pagkakamali.

Masuwerteng numero; 16,46,48,62

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here