Chinese Horoscope; Enero 14

0
297

DAGA (RAT)

May suwerteng hatid ang umaga para sa’yo. Maaaring hindi mo ito mapansin dahil maliit na bagay lamang ito. Subalit sa hinaharap ay may malaki itong maitutulong sa’yo kaya naman ngayon pa lang dapat mong malaman na isa itong blessing.

Masuwerteng numero; 7,9,10,11

BAKA (OX)

Malalaman mo ngayon kung sino sa mga kaibigan mo ang tunay na loyal sa’yo. Pare-pareho silang magmamalasakit subalit iba’t-iba ang kanilang intensyon at mapapatunayan mo iyan dahil sa isang sitwasyon.

Masuwerteng numero; 6,8,12,21

TIGRE (TIGER)

Kakaharapin mo ang isang problema. Pero hindi mo ito haharapin na mag-isa dahil hindi ka iiwanan ng iyong pamilya. Maliit lang ang problemang ito kumpara sa dinadala ng iba subalit iindahin mo pa rin at maaapektuhan ka pa rin.

Masuwerteng numero; 1,3,4,7

KUNEHO (RABBIT)

Walang matigas na tinapay sa mainit na kape. Sakto ang kasabihang ito sa namamagitan ngayon sa inyo ng iyong kapareha. Kakailanganin mo lang na maglaan ng effort at muli mong mapapalambot ang puso ng iyong mahal.

Masuwerteng numero; 4,15,26,28

DRAGON (DRAGON)

Hindi mo maiiwasan ang isang tao na nakatakdang bumisita sa’yo ngayon. Wala naman siyang masamang intensyon sa’yo pero meron siyang pakay na hindi mo sigurado kung matutugunan mo kaya hangga’t maaari sana ay ayaw mo siyang makita.

Masuwerteng numero; 1,9,10,13

AHAS (SNAKE)

Masuwerte ka ngayon sa negosyo. Maliit man ito o malaki ay magiging maganda ang pasok ng suwerte. Panatilihin mo ang iyong pagiging positibo at magandang awra nang sa gayon ay manatili ang aliwalas ng kapalaran sa buong maghapon at sa susunod pang araw.

Masuwerteng numero; 7,18,22,25

KABAYO (HORSE)

Huwag kang matatakot sa pagharap sa mga problema dahil ang lahat naman ay pansamantala lang. Kaya isipin mo na lang na ang kakaharapin mong problema ay dadaanan mo lang at madadaanan mo ito nang buong tatag.

Masuwerteng numero; 6,14,15,26

TUPA (SHEEP)

Ipagpapatuloy mo ang pagsisikap mo sa trabaho sa kabila ng iyong mararamdamang katamaran. Ito ay dahil hindi mo maiaalis sa isip mo ang pangangailangan ng mga taong umaasa sa’yo. Ang iyong sariling pamilya.

Masuwerteng numero; 4,15,17,22

UNGGOY (MONKEY)

Sa kabila ng iyong magagawang pagkakamali sa trabaho ay mananatili ang tiwala sa’yo ng nakatataas. Para sa kanya ay hindi matatakpan ng isang pagkakamali mo lang ang maraming magagandang bagay na nagawa mo para sa iyong trabaho.

Masuwerteng numero; 2,3,14,15

TANDANG (ROOSTER)

May mga mag-aaya sa’yo na lumabas ng bahay para maglibang. Matagal mo ng hinihintay ang araw na makakapagrelax ka sa labas pero sa pagkakataong ito ay pipiliin mo ang manatili sa loob ng iyong bahay at dito magrelax.

Masuwerteng numero; 8,19,20,30

ASO (DOG)

Magiging balanse lang ang positibo at negatibo sa araw mo. Ang iyong daily routine ay magiging tulad lang ng pangkaraniwang araw. Pagsapit ng gabi ay makakatanggap ka ng tawag mula sa isang espesyal na tao.

Masuwerteng numero; 5,6,17,21

BABOY (PIG)

Magiging makulay ang araw mo ngayon dahil sa iyong mahal. Ipaparamdam niya sa’yo ang pagmamahal na gusto mong maramdaman. Ang buong maghapon mo ay mapupuno ng paglalambingan ninyong dalawa.

Masuwerteng numero; 9,11,23,24

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here