Chinese Horoscope Enero 14, 2021

797

DAGA (RAT)

Malaki ang pagbabagong magaganap sa iyong trabaho. Asahan mo nang hindi magiging madali ang mga pagbabagong ito lalo pa at iilan pa lamang kayong pinayagan na makabalik sa trabaho. Halos sa inyo nakasalalay ang lahat.

Masuwerteng numero; 46,51,52,60

BAKA (OX)

Sa maghapong ito ay pag-iisipan mong mabuti kung ano ang dapat mong gawin para mapanatiling aktibo at smooth sailing ang iyong negosyo. Sa dami ng kakompetensya mo sa negosyong ito ay hindi ka dapat magpakampante.

Masuwerteng numero; 45,57,59,69

TIGRE (TIGER)

Hindi na mahalaga kung sino ang tama at mali sa iyong mga anak. Kailangan mo silang kausapin pareho para pareho ring mapaliwanagan ng mabuti tungkol sa kanilang hindi pinagkakasunduan. Kailangan mong makialam.

Masuwerteng numero; 2,11,13,14

KUNEHO (RABBIT)

Huwag kang masyadong umasa sa pangako ng iyong boss. Mas malamang sa kanya ang salita kaysa sa gawa. Mas makakabuti kung ipagpapatuloy mo na lang ang nauna mong plano dahil ito ang magpapaangat sa’yo.

Masuwerteng numero; 25,26,30,31

DRAGON (DRAGON)

Maganda ang balitang mababasa mo mula sa internet. May kinalaman ito sa iyong dating kakilala na matatagpuan mo sa social media. Dahil dito ay magkakaroon ka ng pag-asa at iisipin mo na malaki ang maitutulong niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 3,14,16,20

AHAS (SNAKE)

Hindi mo mapoprotektahan ang tao na mahal mo kung patuloy kang magmamatigas at iiwasan ang problema. Dapat mo itong harapin ng buong tapang alang-alang sa mga mahal mo sa buhay na umaasa sa’yo.

Masuwerteng numero; 15,33,40,50

KABAYO (HORSE)

Sa halip na makialam ay mas makakabuti kung didistansyahan mo na lang ang problema ng iyong mga kaibigan. Mas malaki ang posibilidad na madamay ka kung ipagpapatuloy mo ang pakikialam sa kanila lalo na’t wala ka namang alam sa tunay na naganap.

Masuwerteng numero; 54,55,60,66

TUPA (SHEEP)

May mangyayaring hindi pagkakaintindihan sa pagitan ninyong magkapatid. Ito ay may kinalaman sa utang. Sa araw na ito ay malabo nyo pa itong maayos. Kakailanganin nyo pa munang magpalamig ng ulo pareho.

Masuwerteng numero; 30,34,41,42

UNGGOY (MONKEY)

Walang magbabago sa samahan ninyong magkakaibigan. Kahit pa nagkaroon na ito ng lamat dahil sa isang alitan ay madali nyong maibabalik sa dati ang lahat. Ito ay dahil ang namamagitan sa inyo ay pare-pareho ninyong iginagalang.

Masuwerteng numero; 16,19,22,24

TANDANG (ROOSTER)

Malaking bagay ang pagkakatanggap mo sa trabaho dahil sa wakas ay makakatulong ka na ulit sa inyong pamilya. Kahit papa’no ay may maiaambag ka na rin sa pang-araw araw na gastusin kaya hindi ka na mahihiya sa iyong mga kapatid.

Masuwerteng numero; 4,13,15,18

ASO (DOG)

Hindi magiging madali ang mga prosesong pagdaraanan mo para matapos ang isang mahalagang proyekto. Pero ihahanda mo na ang sarili mo rito. Sa halip na magreklamo at mainip ay pagsisikapan mo na lang itong gawin.

Masuwerteng numero; 50,51,56,67

BABOY (PIG)

Mailap pa ang suwerte sa mga panahon na ito para sa’yo. Kahit anong gawin mo ay mananatili ka pa rin sa iyong sitwasyon ngayon. Subalit huwag mawalan ng pag-asa dahil ang sabi nga sa kasabihan, pag may tiyaga may nilaga.

Masuwerteng numero; 17,35,43,45

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here