Chinese Horoscope; Enero 13

0
269

DAGA (RAT)

Maraming tao sa paligid mo ang magbibigay ng kanya-kanya nilang opinyon tungkol sa problema mo na hindi naman malaki. Lalala lang ang problema kung hahayaan mo sila na makialam sa iyong mga pagdedesisyon.

Masuwerteng numero; 8,9,11,13

BAKA (OX)

Patutunayan ng iyong mahal kung gaano kalaki ang pagmamahal niya sa’yo. Hindi mo ito dapat balewalain dahil bihira na lamang ang katulad niya. Umaasa rin siya ng pagpapahalaga na magmumula mismo sa’yo.

Masuwerteng numero; 5,16,17,27

TIGRE (TIGER)

Konting tiis na lang at makukuha mo rin ang gusto mo. Ang araw na ito ay araw ng pagtitiis, pagtitiyaga at pagsisikap. Huwag kang mapapagod dahil ikaw rin ang aani ng lahat ng pinaghihirapan mo at paghihirapan mo pa.

Masuwerteng numero; 6,20,22,24

KUNEHO (RABBIT)

Lahat ng bagay ay may katapat. Kung malungkot ka kahapon ay maaari ka namang sumaya ngayon. Ibig sabihin lang na hangga’t may umaga ay meron ding pag-asa. Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo ngayon kabilang na ang iyong sakripisyo.

Masuwerteng numero; 2,13,14,15

DRAGON (DRAGON)

Maiirita ka sa makakausap mo ngayong araw. Ang mga sasabihin niya ay malayo sa inaasahan mo sa kanya. Pero hindi iyon sapat para masira ang araw mo. Kailangan mong mapanatili ang iyong pagiging positibo.

Masuwerteng numero; 11,19,27,30

AHAS (SNAKE)

Kailangan mong sundin kung ano ang mga ipinagbabawal sa’yo. Para rin ito sa iyong kabutihan. Huwag mong isipin na napipilitan lang silang gawin ang kanilang obligasyon. Mahal ka nila at kailangan mo iyong makita.

Masuwerteng numero; 4,12,27,29

KABAYO (HORSE)

May pagkakataon ka para tanggihan ang isang bagay na ayaw mo. Pero sa halip na tumanggi ay tatanggapin mo ito. Kaya naman mamomroblema ka kung ano ang dapat mong gawin para maisaayos ito.

Masuwerteng numero; 7,18,26,28

TUPA (SHEEP)

Tatanggapin mo ngayon ang pagkilala ng nakatataas sa trabaho. Napakabango mo ngayon sa kanya at labis niyang hahangaan ang ipapakita mo pang kakayahan. Samantalahin mo ito dahil kilala siyang mailap kaya suwerte ka nang mapansin niya.

Masuwerteng numero; 11,23,24,30

UNGGOY (MONKEY)

Mai-involve ka sa relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Wala kang kaalam-alam tungkol dito kaya labis mo itong ikagugulat. Wala kang intensyon na sirain sila at paghiwalayin sila pero hindi ka makakaiwas sa hindi magandang senaryo.

Masuwerteng numero; 1,3,14,16

TANDANG (ROOSTER)

Malilibang ka sa isang kamag-anak. Ang pagdating niya sa inyo ay aaliw sa’yo kaya pansamantala mong makakalimutan ang iyong mga problema lalo na ang may kinalaman sa pera. Makakatulong din siya sa’yo kahit paano.

Masuwerteng numero; 4,7,8,10

ASO (DOG)

Isang kaibigan mo ang lihim na magtatampo sa’yo dahil hindi mo mapagbibigyan ang kanyang hiling. Hindi mo naman ito kasalanan dahil alam mo at alam niya na hindi talaga pwede ang hihilingin niyang pabor.

Masuwerteng numero; 1,2,14,26

BABOY (PIG)

May magandang balita kang matatanggap mula sa malayo. Ito ay ihahatid sa’yo ng isang bagong kakilala na siyang may kaugnayan sa kamag-anak mo sa malayo. Ikatutuwa mo ito at ng iyong pamilya kaya naman pasasalamatan mo siya.

Masuwerteng numero; 8,9,10,12

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here