Chinese Horoscope Enero 13, 2021

903

DAGA (RAT)

Makakaramdam ka ng pagkainis sa iyong kabiyak dahil pakiramdam mo ay ikaw na lang palagi ang kumikilos para mabuhay ang inyong pamilya. Pag-iisipan mo ngayon kung paano mo siya mapapakilos nang hindi nasasaktan ang kanyang ego.

Masuwerteng numero; 10,45,54,67

BAKA (OX)

Kahit ayaw na ayaw mong gawin ay mapipilitan ka pa ring mangutang. Magiging mahigpit ang pangangailangan mo ngayon sa pera dahil sa mga biglaang gastusin. Maging matalino sa paghawak nito at tipirin hangga’t maaari ang perang mahihiram mo.

Masuwerteng numero; 8,19,20,23

TIGRE (TIGER)

Magkakaroon ka ng pagdadalawang isip na tanggapin ang iaalok ng isang kaibigan. Wala ka pang kaalam-alam sa negosyong ito. Mas gusto mong gastusin ang pera mo sa mga bagay na nakatitiyak ka na sa bawat detalye.

Masuwerteng numero; 7,12,13,50

KUNEHO (RABBIT)

Sa kabila ng stress mo sa araw na ito ay darating at darating sa iyong harapan ang good news at ito ang magpapawala ng stress mo. Dahil dito ay pansamantala mong malilimutan ang mga alalahanin at problemang kinakaharap.

Masuwerteng numero; 44,52,68,70

DRAGON (DRAGON)

May pagkalugi sa negosyo kang mararanasan ngayon. Medyo hindi maganda ang araw na ito dahil mapapalibutan ka ng mga negatibong elemento kabilang na ang mga tao na makukulit sa pangungutang sa’yo.

Masuwerteng numero; 2,3,48,57

AHAS (SNAKE)

Mauubos ang pasensya mo sa iyong anak dahil sa sunud-sunod na pagkakamaling kanyang magagawa. Pero bago ka pa sumabog ay subukan mo munang kumalma at unawain siya. Kailangan niya ang iyong paggabay sa ngayon.

Masuwerteng numero; 5,12,23,45

KABAYO (HORSE)

Kakapusin ka ng tiwala sa sarili kaya sasablay ka sa proyektong pinamumunuan mo. Wala kang ibang masisisi kundi ang sarili mo dahil ginawa lahat ng mga ka-grupo mo ang parte nila habang ikaw ay kinulang sa pagtitiwala.

Masuwerteng numero; 29,69,70,77

TUPA (SHEEP)

Hindi mo gusto ang pakiramdan ng nagseselos pero ito mismo ang mararamdaman mo sa buong araw. Mapupuno ka ng pagseselos dahil sa closeness na makikita mo sa iyong sinta at sa isang katrabaho nito. Hindi mo ito maiiwasan.

Masuwerteng numero; 5,20,30,69

UNGGOY (MONKEY)

Dagdagan mo pa ang pagsisikap mo’t pagtitiyaga at iwasan ang magreklamo. Sadyang maraming balakid sa’yo ngayon kaya hindi mo pa makukuha ang gusto mo. Huwag mainip. Ipagpatuloy mo lang ang iyong kasipagan.

Masuwerteng numero; 7,8,19,21

TANDANG (ROOSTER)

Kakailanganin mong pag-isipan na mabuti ang isang pagdedesisyon na gagawin. Huwag mong hayaan na magdesisyon ang iba para sa’yo. Iwasan mo ang mga pakialamera dahil wala silang maitutulong. Makakagulo lamang sila.

Masuwerteng numero; 30,33,41,56

ASO (DOG)

Sikapin mong kontrolin ang sarili mo sa pagbibitaw ng mga salita. Hindi lahat ay natutuwa sa iyong mga biro at komento lalo na sa social media. May mga tao kang maaaring masaktan kaya dapat kang maghinay-hinay.

Masuwerteng numero; 17,22,32,47

BABOY (PIG)

May darating ulit na problema sa’yo. Kahit maliit lamang ito ay kailangan mo pa ring solusyunan agad. Kung babalewalain mo lang ay posible itong magningas at lumikha ng malaking apoy kaya naman habang maliit pa ay tupukin mo na.

Masuwerteng numero;1,11,13,14

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here