Chinese Horoscope; Enero 12

0
341

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Isang tao ang makapagbibitaw sa’yo ng salita na medyo hindi maganda. Natural lang na hindi mo ito magugustuhan. Pero sa halip na makipagkomprontasyon ay iiwasan mo na lang siya at hindi magpapahawa sa kanyang pagiging negatibo.

Masuwerteng numero; 10,11,13,21

BAKA (OX)

Mapipilitan kang gawin ang isang bagay na ayaw mo. Ito ay may kinalaman sa iyong trabaho. Mapipilitan ka dahil utos ito ng nakatataas sa’yo kahit na hindi naman ito saklaw ng iyong trabaho. Wala kang pagpipilian kundi ang sumunod.

Masuwerteng numero; 7,9,10,11

TIGRE (TIGER)

Kung ikaw ay maglalakbay,makakasalubong mo ang suwerte at mapapasaiyo ito hanggang sa pag-uwi mo. Iwasan mo lang na tumambay at makipagkuwentuhan ng matagal sa mga tao na hindi mo pa gaanong kilala.

Masuwerteng numero; 1,2,18,19

KUNEHO (RABBIT)

Mapapabilis ang pag-abot mo sa iyong pangarap kung magkakaroon ka ng focus. Iwasan mo na muna ang mga tao na walang maitutulong sa’yo. Ngayong araw ay isang magandang pagkakataon para magsimula ng may ngiti sa labi.

Masuwerteng numero; 8,23,25,29

DRAGON (DRAGON)

Isang kamag-anak ang mangangailangan ng iyong tulong. Bago matapos ang gabi ay isang malapit na kaibigan naman ang lalapit sa’yo para din humingi ng tulong. Medyo malilito ka kung sino sa kanila ang uunahin mo.

Masuwerteng numero; 5,6,14,30

AHAS (SNAKE)

Pagseselosan mo ang isang kaibigan na unti-unting nagiging malapit sa’yong mahal. Hindi mo magugustuhan ang madalas nilang pagkikita nang hindi sinasadya. Ayaw mong mag-isip ng masama pero ito mismo ang maiisip mo.

Masuwerteng numero; 1,11,28,29

KABAYO (HORSE)

Maaaliw ka sa isang bagong kaibigan. Aayain ka niyang lumbas at hindi mo siya matatanggihan. Sa sobrang pagkalibang mo sa inyong bonding ay makakalimutan mo ang daily routine na conversation nyo ng iyong mahal.

Masuwerteng numero; 7,12,18,20

TUPA (SHEEP)

Gugugulin mo ang buong maghapon sa pag-iisip ng solusyon sa problema ng tao na malapit sa puso mo. Wala ka kasing maitutulong sa kanya kaya susubukan mong ilagay ang sarili sa kanyang sitwasyon at pag-isipan kung ano ang mas mainam gawin kung ikaw siya.

Masuwerteng numero;1,10,13,14

UNGGOY (MONKEY)

Isang tao na may lihim na inggit sa’yo ang mag-iisip ngayon ng paraan kung paano ka pababagsakin. Pero wala kang dapat ipag-alala dahil mabuti ang iyong intensyon sa lahat ng iyong ginagawa kaya kakasihan ka pa rin ng tadhana.

Masuwerteng numero; 8,9,24,26

TANDANG (ROOSTER)

Mapapabilib ka ng isang tao na bago mo pa lang kakilala. May angkin siyang talino at suwerte sa paghawak ng negosyo kaya naman malaki ang maitutulong niya sa’yo. Kailangan mo lang na pakinggang mabuti at unawain ang mga sasabihin niya.

Masuwerteng numero; 1,12,23,27

ASO (DOG)

Hindi ka magpapatalo sa iyong kaibigan na labis na ang ginagawang pagparatang sa’yo. Alam mo sa sarili mo na walang katotohanan ang kanyang pinaniniwalaan kaya naman ipaglalaban mo sa kanya ang panig mo.

Masuwerteng numero; 7,9,11,12

BABOY (PIG)

Walang mangyayari kung paiiralin mo ang katigasan ng iyong ulo. Tinitingala ka ng mga tao na umaasa sa’yo kaya naman ang bawat sabihin mo at bawat ikilos mo ay sinusundan nila. Dapat ka ring maging mabuting tagasunod kung alam mo na may mali sa iyong plano.

Masuwerteng numero;5,18,19,22 � ��

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here