Chinese Horoscope; Enero 11

0
217

DAGA (RAT)

Isang kaibigan ang hihingi sa’yo ng tulong. Siya yung tipo ng kaibigan na palagi mo ring nalalapitan sa oras ng iyong pangangailangan kaya ngayon na siya naman ang nangangailangan ng iyong tulong, kahit nasa kagipitan ka rin ay gagawan mo ng paraan.

Masuwerteng numero; 5,8,9,10

BAKA (OX)

Masuwerteng araw ito para sa pagnenegosyo. Isang customer ang lalapit sa’yo na may lucky charm. Nasa katauhan niya ito kaya naman kung i-eentertain mo siya at aayon sa kanyang kagustuhan ay mahahawa ka sa suwerte niya.

Masuwerteng numero; 6,7,18,20

TIGRE (TIGER)

Medyo malayo sa’yo ang suwerte sa araw na ito. Huwag mo na itong kontrahin upang hindi ka abutan ng malas. Kailangan mo lang na gawin ang iyong daily routine at subukang alisin sa isip ang mga alalahanin.

Masuwerteng numero; 1,11,20,30

KUNEHO (RABBIT)

Maaring mapagtakpan mo sa iba ang iyong nararamdaman subalit hindi mo ito maikakaila sa sarili mo. May lihim kang pagtatangi sa isang tao at hindi mo ito gustong maramdaman. Mula’t sapul kasi ay ayaw mo talaga sa kanya.

Masuwerteng numero; 7,18,22,23

DRAGON (DRAGON)

Malaki ang paniniwala mo sa Diyos kaya naman walang pagsubok ang nakapagpapasuko sa’yo. Ang araw na ito ay isa na namang araw ng pagsubok subalit hindi mo na ito masyadong iindahin. Ipagpapasa-Diyos mo na lang ang lahat.

Masuwerteng numero; 9,10,11,12

AHAS (SNAKE)

Magiging abala ka ngayon sa aktibidad na kinabibilangan ng iyong anak. Masaya kang nakikita na masaya siya sa kanyang ginagawa kaya naman ibibigay mo ng buong buo ang iyong suporta sa kanya. Gugugulin mo ang buong araw mo sa aktibidad na ito.

Masuwerteng numero; 1,3,4,6

KABAYO (HORSE)

Isang magandang pagkakataon ito para sa’yo at sa minamahal. Ang inyong paglalakbay ay mapupuno ng mga alaalang dadalhin nyo hanggang sa hinaharap. Kukulangin ang oras nyo para sa isa’t-isa kahit gabi na kayo makakauwi.

Masuwerteng numero; 10,12,21,29

TUPA (SHEEP)

Hindi masama ang magtanong kaya naman ang mga bagay na hindi mo naiintindihan sa trabaho ay dapat mong alamin. Piliin mo lang ang iyong lalapitan at dapat ay sa talagang may alam kung ayaw mong magkamali.

Masuwerteng numero; 6,17,28,30

UNGGOY (MONKEY)

Puno ka lagi ng pag-aalala dahil sa dami ng tumatakbo sa iyong isipan. Marami kang ideya na hindi mo pa mailabas dahil sa kakulangan mo sa gamit at oras. Dapat mong matutunan kung paano ito masosolusyunan.

Masuwerteng numero; 5,16,20,22

TANDANG (ROOSTER)

Isa na namang problema ang darating ngayong araw na ito na may kinalaman sa iyong kamag-anak. Hindi ka naman masyadong apektado pero hindi mo maiiwasan ang makialam dahil kahit anong mangyari sila ay kapamilya mo.

Masuwerteng numero; 1,2,14,25

ASO (DOG)

Maiipit ka sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang tao na malapit sa puso mo. Para sa’yo ay pareho silang may mali at pareho din namang may punto kaya para hindi ka madamay ay pareho mo muna silang didistansyahan.

Masuwerteng numero; 9,10,11,23

BABOY (PIG)

Magiging masigasig ka ngayong araw na ito dahil mabibigyan ka ng inspirasyon ng mapapanood mo sa isang network site. Maganda ang magiging impluwensya nito sa’yo kaya ipagpatuloy mo lang hanggang sa mga susunod pang araw.

Masuwerteng numero; 8,19,26,27

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here