Chinese Horoscope; Enero 10

0
224

DAGA (RAT)

Maganda ang araw mo ngayon. Pagagandahin ito ng iyong mahal. Alam niya na sobra na ang stressed na pinagdaanan mo nitong mga nakaraang araw kaya naman gagawa siya ng paraan para mapasaya ka kahit sandali lang.

Masuwerteng numero; 5,6,8,11

BAKA (OX)

May hatid na suwerte ang umaga. Paggising mo pa lang ay sasalubungin ka na ng magandang balita. Ang magandang balitang ito ang magiging dahilan din para magawa mong magbahagi ng good vibes sa iyong mga kapitbahay.

Masuwerteng numero; 1,11,21,23

TIGRE (TIGER)

Hindi mo maiaalis sa isang kaibigan ang pagsama ng kanyang loob dahil sa isang pangyayaring namagitan sa inyong dalawa. Ngayong araw ay mag-aattempt ka na lapitan siya upang maipaliwanag ng mabuti ang iyong side subalit hindi ito matutuloy.

Masuwerteng numero; 7,18,19,22

KUNEHO (RABBIT)

Isang hindi inaasahang tao ang magbabalik sa buhay mo. Ito ay sa pamamagitan ng social media. Magkukrus ang inyong landas dahil sa isang mutual friend. Subalit hindi ibig sabihin nito ay maibabalik nyo rin ang inyong nakaraan.

Masuwerteng numero; 10,15,20,30

DRAGON (DRAGON)

Magiging mailap sa’yo ngayon ang suwerte. Mapapalibutan ka kasi  ng mga negatibong elemento. Ito ay maaaring tao o sitwasyon na hindi kaaya-aya. Mas makakabuti kung pananatilihin ang pagiging positibo upang hindi gaanong malasin.

Masuwerteng numero; 4,17,19,25

AHAS (SNAKE)

Isang kamag-anak mo ang magtatraydor sa’yo. Pero wala ka namang dapat ipag-alala dahil wala namang patutunguhan ang pagtatraydor niya. Ma-rerealize din niya sa huli na hindi niya iyon dapat ginawa. Ikaw higit kaninuman ang dapat niyang kampihan.

Masuwerteng numero; 11,12,23,28

KABAYO (HORSE)

Hindi masamang maniwala sa mga pangako, subalit hindi mo ito kailangang asahan. Dapat ka ring kumilos ayon sa sarili mong kagustuhan at kakayahan. Ang pagtayo sa sariling paa ay tanda ng pagiging responsable hindi lang para sa iyong sarili kundi para sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 7,9,12,19

TUPA (SHEEP)

Isang kaibigan ang mag-aaya sa’yong lumabas. Magdadalawang isip ka pero makukumbinsi ka rin niya sa huli. Magiging masaya ang inyong bonding. Gugustuhin mo pa itong maulit sa ibang araw. Ang aliwalas ng iyong araw ay hanggang sa gabi na.

Masuwerteng numero; 13,20,28,30

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo maikukubli ang iyong pagseselos. Sa tingin mo ay mahaba na ang pasensya at pagtitimping naibigay mo sa iyong kapareha at para sa’yo ay hindi na tama ang harap-harapan niyang pananakit sa damdamin mo.

Masuwerteng numero; 5,6,17,19

TANDANG (ROOSTER)

Hindi mo maipapaliwanag ang iyong mararamdaman ngayong araw na ito. Isang mahal sa buhay na matagal nang yumao ang mapapanaginipan mo at ookupa sa isip mo sa buong maghapon. Dahil dito ay mababalot ka ng lungkot.

Masuwerteng numero; 11,12,23,24

ASO (DOG)

Mababalisa ka dahil sa isang panaginip noong nagdaang gabi. Ang panaginip mo ay may kaugnayan sa iyong ex kaya naman mapapaisip ka kung ano ang ibig sabihin nito. Matagal na kayong walang komunikasyon subalit dahil sa panaginip ay kusang babalik sa isip mo ang inyong nakaraan.

Masuwerteng numero; 8,9,12,15

BABOY (PIG)

Mananahimik ka ngayon sa bahay. Sa buong araw na ito ay makakaramdam ka ng peace of mind. Hindi mo inaasahan ang kapayapaang idudulot sa’yo sa pagrerelaks mo sa loob ng inyong tahanan. Kaya naman ipinangako mo sa sarili mong mauulit pa ito sa kabila ng kabisihan mo sa trabaho.

Masuwerteng numero; 8,26,27,29

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here