Chinese Horoscope; Disyembre 9

108

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

May pagdaraanan kang pagsubok bago mo makuha ang inaasam mong bagay sa ngayon. Sa ayaw at sa gusto mo ay kakailanganin mo itong pagdaanan dahil wala ka namang mapagpipilian. Makakamit mo rin ito.

Masuwerteng numero; 25,27,34,36

BAKA (OX)

Hindi ka mahihirapan na kumbinsihin ang isang kliyente para sa iyong bagong produkto. Malaki ang tiwala niya sa’yo kaya anuman ang sabihin mo tungkol dito ay paniniwalaan niya at magiging maayos ang inyong usapan.

Masuwerteng numero; 5,16,20,21

TIGRE (TIGER)

Kaaaliwan mo ng husto ang isang bagong kakilala dahil sa kanyang pagiging komedyante. Kaya naman ang nakakainip mong araw ay hindi na magiging bored ngayon. Magagawa niyang pasayahin ang araw mo.

Masuwerteng numero; 35,40,53,60

KUNEHO (RABBIT)

Maging maingat sa paglabas labas dahil malapit ka ngayon sa disgrasya. Iwasan ang magsasama sa isang bagong kaibigan na hindi pa lubusang kilala. Maaari kang malagay sa kapahamakan dahil sa kanya kahit hindi niya sinasadya.

Masuwerteng numero; 24,32,40,46

DRAGON (DRAGON)

Pag-aawayan nyo ang isang tao na walang bukambibig sa asawa mo kundi pangungutang. Labis ang mararamdaman mong pagkairita lalo na at kayo man ay nangangailangan din at isa pa ay hindi mo siya gaanong kilala.

Masuwerteng numero; 25,44,57,60

AHAS (SNAKE)

Magiging mailap pa ang suwerte ngayon para sa’yo. Mas makakabuti kung magfofocus ka na muna ngayon sa trabaho. Dito ka muna magpakaabala habang hinihintay ang oportunidad na mag-aakyat sa’yo ng suwerte.

Masuwerteng numero; 13,22,28,35

KABAYO (HORSE)

May matatanggap na biyaya mula sa isang kamag-anak na nasa malayo. Hindi mo ito inaasahan kaya labis mo itong ikatutuwa. Isa itong maagang pamasko para sa’yo at sa iyong pamilya na dapat mong ipagpasalamat.

Masuwerteng numero; 15,18,33,39

TUPA (SHEEP)

Ikagugulat mo ang pag-iwas sa’yo ng isang kapitbahay sa hindi malamang dahilan. Pero masyado ka ng maraming problema para idagdag pa ito kaya naman hindi mo na lang muna ito bibigyan ng pansin sa ngayon.

Masuwerteng numero; 50,63,77,78

UNGGOY (MONKEY)

Hindi ka na mangangamba sa ngayon. Ang kailangan mo lang ay pagbutihan ang iyong trabaho nang sa gayon ay manganak pa ang oportunidad na nasa mga kamay mo na. Huwag kalimutan magshare ng blessings.

Masuwerteng numero; 47,64,80,88

TANDANG (ROOSTER)

Maha-highblood ka sa mababasa mo sa messenger ng iyong kapareha. Hindi mo magugustuhan ang palitan nila ng mensahe ng isang kaibigan. Bago gumawa ng anumang aksyon ay pag-isipan muna itong mabuti.

Masuwerteng numero; 14,26,31,33

ASO (DOG)

Masisiyahan ka sa maririnig mong balita mula sa taong pinakamamahal. Ang kasiyahan niya ay kasiyahan mo rin at ang tagumpay niya ay tagumpay mo rin. Kaya naman ibibigay mo sa kanya ng buong buo ang iyong suporta.

Masuwerteng numero; 1,2,4,8

BABOY (PIG)

Hindi magiging sapat ang iyong paliwanag para maintindihan ka ng isa sa mga kasosyo mo sa negosyo. Mukhang kakailanganin mong magdesisyon kung ipagpapatuloy mo pa ang pakikipagsosyo sa kanila o hindi na.

Masuwerteng numero; 26,37,42,43

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 9, 2019
Next articleANG 6 NA ZODIAC SIGN NA MAKARARANAS NG MATINDING PAGBABAGO SA 2020

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here