Chinese Horoscope, Disyembre 6, 2018

0
162

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Kung gaano kabilis lumipas ang araw ay ganoon din magiging kabilis ang pagbisita mo sa isang kaibigan. Matagal mong pinaglanuhan ang pagpunta sa kanya pero hindi mo aakalain na hindi mo siya makakausap ng matagal.

Masuwerteng numero; 3,5,6,8

BAKA (OX)

Magandang araw ito para sa paglalakbay malapit man o malayo. Hindi ka maiipit sa traffic at magiging magaan ang byahe hanggang sa pag-uwi. Maaliwalas din ang awra ng mga taong daratnan mo sa ninanais mong puntahan.

Masuwerteng numero; 8,10,12,13

TIGRE (TIGER)

Balanse sa positibo at negatibo ang araw na ito para sa’yo. Ang kalahati ng iyong araw ay maganda habang ang kalahati naman ay magkakaroon ng slight na problema. Panatilihin mo ang iyong good vibes para mas manaig ang positibo.

Masuwerteng numero; 1,12,22,28

KUNEHO (RABBIT)

May kaalatan ngayon sa negosyo. Pero hindi ibig sabihin ay susuko ka na agad. Isang araw lang ito at marami pang araw na darating. Malalaman mo ngayon kung ano ang maling diskarte mo kaya hindi mo na ito dapat ulitin bukas.

Masuwerteng numero; 9,10,11,21

DRAGON (DRAGON)

May makakalimutan kang mahalagang bagay sa bahay. Ayaw na ayaw mo pa naman ang may nalilimutan. Kaya ang trabahong matatapos na dapat ngayon ay kailangan pang maghintay ng kinabukasan.

Masuwerteng numero; 5,16,17,30

AHAS (SNAKE)

Mapipilitan kang dumalo sa isang okasyon. Bagamat hindi ito mahalaga sa’yo ay kakailanganin mong samahan ang isang malapit na kaibigan na imbitado rito. Hindi ka naman magsisisi dahil mag-eenjoy ka rin.

Masuwerteng numero; 7,18,19,20

KABAYO (HORSE)

Mababaling ang atensyon mo sa isang magandang negosyo na iaalok sa’yo. Hindi man ganoon kalakit ang kita ay alam mo na makakatulong ito sa’yo at sa pamilya mo. Kailangan mo lang mag-ingat sa mga tuso.

Masuwerteng numero; 12,14,24,29

TUPA (SHEEP)

Huwag kang masyadong magtitiwala sa mga tao lalo na kung bago mo pa lang ito kakilala. Malaki ang posibilidad na mapaniwala ka niya sa mga lalabas sa bibig niya. Sadyang matamis ang kanyang dila kaya mag-ingat ka sa tunay niyang motibo.

Masuwerteng numero; 8,10,20,30

UNGGOY (MONKEY)

Nawawalan ka ng kumpiyansa sa sarili mo dahil sa nakaraang kapalpakan sa trabaho. Ngayong araw ay mababawi mo iyon dahil sa pag-asang ibibigay ng nakakataas sa’yo. Bumangon ka at ipakita sa lahat ang iyong pagsisikap.

Masuwerteng numero; 9,11,22,26

TANDANG (ROOSTER)

Dahil sa isang palabas na mapapanood mo sa telebisyon ay mananariwa sa’yo ang iyong nakaraan. Makakarelate ka kasi dito dahil ang mga eksena ay hindi nalalayo sa iyong mga pinagdaanan. Magiging apektado ka hanggang sa pagtulog.

Masuwerteng numero; 9,18,25,28

ASO (DOG)

Wala kang oras na maibibigay para sa sarili mo ngayon. Pero wala kang pagsisisihan dahil ang buong panahon mo ay nakatuon ngayon sa iyong pamiya na matagal nang naghihintay na lumuwag ang oras mo.

Masuwerteng numero; 7,8,16,27

BABOY (PIG)

Walang masamang tinapay sa’yo kaya naman ngayong araw ay masusuklian ang kabutihan mo ng mga taong nagawan mo rin ng buti. Hindi mo man ito ine-expect ay wala kang magagawa sa sorpresang ihahatid nila para sa’yo.

Masuwerteng numero; 12,13,14,30

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here