Chinese Horoscope; Disyembre 3

67

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Mag-uumpisa ka ulit sa wala dahil ang pinaghirapan mo sa trabaho ay maglalaho na parang bula. Huwag itong masyadong ika-depress dahil may paparating naman na isang malaking blessing sa isa sa mga susunod na araw.

Masuwerteng numero; 4,11,13,18

BAKA (OX)

Malalaman mo ngayon kung sino sa iyong mga kaibigan ang tunay na nagmamalasakit sa’yo. Kahit sa hindi magandang paraan ay may maganda pa rin itong maidudulot sa’yo sa bandang huli kaya magpasalamat na lang.

Masuwerteng numero; 10,20,32,34

TIGRE (TIGER)

Isang tao na malapit sa puso mo ang labis mong kaiinisan sa araw na ito dahil sa kanyang mga gagawin na sa tingin mo ay wala sa ayos. Kahit malapit pa siya sa’yo ay hindi mo maiiwasan na makapagbitaw ng mga salita.

Masuwerteng numero; 30,34,46,51

KUNEHO (RABBIT)

Malaya kang magagawa ang mga gusto mo sa araw na ito dahil ito ang pagkakataon na mapapag-isa ka. Walang istorbo, walang destructions at wala ring mangungulit sa’yo. Maeenjoy mo ngayon ang maghapong ito.

Masuwerteng numero; 4,15,16,20

DRAGON (DRAGON)

Panahon na upang mamili ka sa dalawang tao na parehong mahalaga sa’yo. Kahit para sa’yo ay hindi ito dapat mangyari, wala kang magagawa kung ito lamang ang makapagpapayapa ng sitwasyon sa pagitan nyong tatlo.

Masuwerteng numero; 57,59,69,70

AHAS (SNAKE)

Hindi ka sanay na ikaw ang nagdedesisyon para sa lahat pero sa pagkakataong ito ay ikakagulat mo na hihingin nila ang iyong opinyon at bibigyang pagkakataon nila ang maiisip mong paraan. Lihim mo itong ikatutuwa.

Masuwerteng numero; 24,32,45,56

KABAYO (HORSE)

Maganda ang magiging feedback nila sa iyong bagong negosyo. Kahit baguhan ka lang dito ay maayos mong maipiprinsinta sa kanila ang iyong produkto. Nakatulong ang paghimay mo sa mga detalye. Kaya naman aanihin mo ang kanilang mga papuri.

Masuwerteng numero; 25,28,31,36

TUPA (SHEEP)

Maganda ang pasok ng araw na ito sa umaga pa lang. Magiging magaan sa aspetong pananalapi habang wala namang paggalaw na magaganap sa iyong personal na relasyon. Magiging smooth sailing lang ang lahat.

Masuwerteng numero; 22,26,31,44

UNGGOY (MONKEY)

Magkakaroon ng problema sa iyong buhay pag-ibig. Dahil sa iyong likas na sex appeal ay hindi mo maiiwasan ang pagkakagusto sa’yo ng isang tao. Ang kanyang paghanga ay makakaabala na sa iyong personal na buhay.

Masuwerteng numero; 56,62,73,85

TANDANG (ROOSTER)

Umiwas sa mga lugar na alam mong sobra ang traffic. Malaki ang posibilidad na ikaw ay makakuha ng kaaway. Lalo na at ang init ng ulo mo sa araw na ito ay may ibang pagmumulan kaya maging maingat sa emosyon.

Masuwerteng numero; 2,5,6,9

ASO (DOG)

Makakaramdam ng pagkabagot. Sa halip na ayain ang mga barkada ay ayain ang pamilya na lumabas upang maglibang. Mas magiging masaya ka sa piling nila kaysa sa mga kaibigang hindi ka sigurado kung sino ang peke at tunay.

Masuwerteng numero; 14,15,24,30

BABOY (PIG)

Sa araw na ito ay magagapi mo ang iyong hindi magandang emosyon. Ito ay dahil mapapalibutan ka ng mga positibong tao na siyang makakatulong din sa’yo para makaalis ka sa negatibong sitwasyon na iyong kinasadlakan.

Masuwerteng numero; 46,49,55,67

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here