Chinese Horoscope; Disyembre 2

121

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Malinaw ang nais iparating sa’yong mensahe ng isang tao pero hindi mo ito nakikita dahil sa kasalukuyan ay nabubulag ka sa damdamin mo para sa kanya. Huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo dahil wala kayong magiging koneksyon sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 14,21,33,40

BAKA (OX)

Ang suwerteng hinihintay ay sadyang mailap pa. Medyo malayo pa ang araw na mapapasakamay mo ang nais at magagawa mo ang gusto mo. Kakailanganin mo pang habaan ang iyong tiyaga at pasensya kaugnay nito.

Masuwerteng numero; 4,34,36,47

TIGRE (TIGER)

 Ang araw ay lilipas na parang walang nangyari kahit pa may inaasahang kang mangyari sa araw na ito. Huwag nang panghinayangan kung anuman iyon dahil kung para sa’yo ay para sa’yo at walang makakahadlang dito.

Masuwerteng numero; 11,28,42,59

KUNEHO (RABBIT)

Magiging lapitin ka ng mga oportunidad ngayon kaya naman dapat mo itong ikatuwa. Iwasan ang palaging pagpapatumpik tumpik sa mga ganitong pagkakataon dahil lilipad ito kung hindi mo agad hahawakan.

Masuwerteng numero; 56,63,68,79

DRAGON (DRAGON)

Isang kamag-anak ang hihingi sa’yo ng tulong tungkol sa proyektong nais niyang simulan. Ikaw ang alam niyang may higit na karanasan at kaalaman tungkol dito kaya ikaw ang kanyang lalapitan at aasa siyang hindi mo siya bibiguin.

Masuwerteng numero; 3,18,19,22

AHAS (SNAKE)

Sikapin mo na mapasa’yo ngayon ang isang bagay na matagal mo nang pinakaaasam. Kung hindi mo ito pagpupursigehan na makuha sa araw na ito ay mapapasakamay ito ng iba dahil marami rin ang nag-iinteres.

Masuwerteng numero; 1,2,5,8

KABAYO (HORSE)

Magiging masakit para sa’yo ang inyong paghihiwalay ng landas dahil buong buhay mo ay siya ang iyong nasa tabi. Pero sa ayaw at sa gusto mo ay kakailanganin mo na siyang pakawalan at ipaubaya sa Diyos ang iyong kapalaran.

Masuwerteng numero; 15,24,25,39

TUPA (SHEEP)

Hindi mo gugustuhin na madamay sa gulo ng mga kaibigang sa ngayon ay naiipit sa hidwaan. Kaya kahit meron kang alam ay mas pipiliin mo na lang ang manahimik at hintayin na humupa ang tensyon sa magkabilang kampo.

Masuwerteng numero; 6,17,18,20

UNGGOY (MONKEY)

Magiging masaya ang araw mo dahil sa kabila ng mga problemang kinakaharap sa ngayon ay mapapangiti ka ng tao na lihim mong tinatangi. Kaya naman ang dati nang paghanga sa kanya ay madaragdagan pa.

Masuwerteng numero; 40,52,65,73

TANDANG (ROOSTER)

Huwag mo nang hintayin na mapagod pa siya. Gawin mo na kung ano ang mga dapat mong gawin. Ang panlalamig niya sa ngayon ay isang senyales na nag-iisip na rin siyang wakasan ang inyong relasyon kaya mag-isip ka na rin.

Masuwerteng numero; 13,32,33,37

ASO (DOG)

Isang katrabaho ang mapagbubuntunan mo ng galit mo sa ibang tao. Bago matapos ang araw ay kakailanganin mong humingi ng pasensya o paumanhin sa kanya kung ayaw mo na masira ang iyong pangalan.

Masuwerteng numero; 45,50,51,69

BABOY (PIG)

Iwasan ang mag-assume ng mga bagay bagay lalo na ng isang relasyon na wala naman talaga. Kailangan mo munang tiyakin sa isang tao kung pareho kayo ng nararamdaman kung ayaw mong sa huli ay ikaw lang ang masaktan.

Masuwerteng numero; 27,34,44,55

SHARE
Previous articleMga Stress Na Nagdudulot Ng Depresyon, Paano Maiiwasan?
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 2, 2019

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here