Chinese Horoscope; Disyembre 16

114

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Maaari kang maloko sa panlabas na anyo kaya mag-ingat sa mga mapanlinlang. Ingatan hindi lang ang sarili kundi maging ang mga bagay na kapaki-pakinabang sa’yo dahil malaki ang posibilidad na ikaw ay mawalan.

Masuwerteng numero; 12,15,25,30

BAKA (OX)

Ikaw ang magsisilbing susi para mabuksan ang pinakatatagong lihim ng isang taong malapit sa’yo. Kahit pa wala kang masamang intensyon ay hindi pa rin magiging maganda ang dating nito sa kanya at ikakalungkot mo ito.

Masuwerteng numero; 3,7,17,20

TIGRE (TIGER)

Kahit na anong pag-stalk ang gawin mo sa iyong ex ay wala ring mangyayari. Hindi na siya babalik sa’yo at wala ng chance para muli kayong magkabalikan. Panahon na para tuluyan kang bumitaw sa inyong nakaraan.

Masuwerteng numero; 43,46,47,51

KUNEHO (RABBIT)

Ikaw ang siyang makapagsasabi kung ano ang gusto mong mangyari sa kasalukuyan mong sitwasyon sa trabaho. Nasa iyong mga kamay kung ikaw ay magpapatuloy at lalaban o hahayaan mo na lang sila na ika’y apak-apakan.

Masuwerteng numero; 30,32,36,39

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka na maaaring manatili kung nasaan ka ngayon. Dapat ka nang humakbang palabas sa iyong comfort zone upang makita mo at maranasan ang mas maraming oportunidad sa labas. Ito na ang tamang panahon.

Masuwerteng numero; 65,72,75,80

AHAS (SNAKE)

Isang kaibigan ang magbabalik sa iyong buhay. Bitbit niya ang magandang balita mula sa nakaraan. Kaya naman ang buhay mo ay muling magkakaroon ng kulay. Magbabalik ang dating sigla subalit kakambal nito ang kumplikadong sitwasyon.

Masuwerteng numero; 22,25,34,45

KABAYO (HORSE)

Magaling ang magiging bago mong ka-tandem sa trabaho. Yung akala mo ay alam mo na lahat ng pasikot sikot sa trabaho pero dahil sa kanya ay marami ka pang matutuklasan sa araw na ito at sa mga susunod pa.

Masuwerteng numero; 1,2,4,8

TUPA (SHEEP)

Matataranta ka ngayon sa pag-iisip ng irarason para maiwasan ang isang tao na ayaw mong makasama. Pero sasadyain ng tadhana na kayo ay paglapitin. Kaya sa ayaw mo at sa gusto ay makakasama mo siya sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 16,19,20,32

UNGGOY (MONKEY)

Hindi sa lahat ng oras ay kakampihan ka ng iyong mahal. Labis mong ipagdaramdam ang pagkakataon na ito dahil hindi ang panig mo ang kanyang paniniwalaan. Kaya naman ang buong araw ay ipagmumukmok mo.

Masuwerteng numero; 7,13,14,24

TANDANG (ROOSTER)

Magiging magaan ang araw na ito para sa’yo. Ang buong maghapon ay maigugugol mo sa pagpapahinga na matagal mo nang inaasam dahil sa masyadong kaabalahan sa trabaho nitong mga nakaraang araw. I-eenjoy mo lang ito.

Masuwerteng numero; 20,29,35,48

ASO (DOG)

Wala kang talento sa isang sitwasyon na papasukin mo kaya naman mahihirapan kang labasan ito. Kakailanganin mo ang tulong ng isang kaibigan upang malusutan mo ang pinasok mong hindi pinag-isipan.

Masuwerteng numero; 41,43,56,58

BABOY (PIG)

Makikilala mo na rin sa wakas ang tao na makapagbibigay sa’yo ng bagong inspirasyon. Makakadaupang palad mo siya sa isang event na pupuntahan mo at hindi mo aakalain na siya ang muling makakapagpangiti sa’yo.

Masuwerteng numero; 15,22,33,36

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 16, 2019
Next articleMGA GAWAING MAKAPAGPAPABABA NG IYONG ENERGY FIELD AT FREQUENCY

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here