Chinese Horoscope; Disyembre 14

389

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Isang tawag ang matatanggap mo ngayon mula sa nakatataas sa iyong trabaho. Maganda ang sasabihin niya sa’yo at kakailanganin mo itong paghandaan. Iwasan mong makinig sa mga taong may inggit sa katawan.

Masuwerteng numero; 6,9,10,13

BAKA (OX)

Ang damdamin mo para sa isang tao ay nakatakdang magbago sa ngayon. Kung dati ay wala kang pakialam sa kanya, ngayon ay magkakaroon ka ng concern. Ang pagbabagong ito sa iyong damdamin ay bunga ng pagiging mabait niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 8,10,22,30

TIGRE (TIGER)

Lalakas ang loob mo para harapin ang isang nakaalitang kapitbahay. Ang pagharap mo sa kanya ay hindi para palalain ang inyong away kundi para tapusin ito. Ikaw na ang magpapakumbaba kahit alam mong wala kang kasalanan.

Masuwerteng numero; 1,4,15,25

KUNEHO (RABBIT)

Magiging mabigat ang pasok ng suwerte mo ngayon sa iyong negosyo. Hindi dahil sa kulang ka sa sipag at tyaga kundi sadyang may maalat na araw lang para sa’yo pagdating sa paghahandle nito. Palipasin mo na lang ang araw na ito.

Masuwerteng numero; 15,28,29,30

DRAGON (DRAGON)

Maayos ang magiging pagtanggap sa’yo ng mga kasamahan sa bago mong trabaho. Dapat lang na suklian mo ito ng maayos na pagtrato lalo na at mas mataas ang posisyon mo kaysa sa kanila. Magkakaroon ka ng mga bagong kaibigan sa kanila.

Masuwerteng numero; 6,9,10,13

AHAS (SNAKE)

Hindi ngayon ang araw para ikaw ay magsentimyento. Malaki ang posibilidad na gumanda ang araw mo kung ikaw ay babangon mula sa iyong pagkakalugmok sa nakalipas na araw. Marami ka pang magagawa na kapakipakinabang kaysa sa pagmumukmok.

Masuwerteng numero; 1,12,14,22

KABAYO (HORSE)

Malaki ang pag-asa na makapasa ka sa exam. Ang bunga ng iyong pagsisikap ay malapit mo ng makamit at ngayon ang unang araw ng magagandang senyales ng kapalaran para sa’yo. Kumapit ka lang at huwag bibitaw.

Masuwerteng numero; 6,17,26,28

TUPA (SHEEP)

Hindi mo pa makukuha sa ngayon ang bagay na pinakaaasam-asam mo. Kakailanganin mo pang maghintay ng konting panahon. Wala kang dapat ipag-alala dahil hindi magtatagal at makukuha mo rin ito.

Masuwerteng numero; 7,11,24,30

UNGGOY (MONKEY)

Pabor na pabor sa’yo ang araw na ito dahil sa wakas ay mapapasakamay mo na ang hinihintay mong pera. Mapupuno ng kasiyahan ang iyong puso dahil ito ay ilalaan mo para sa pamilya at walang sinuman ang kokontra sa mga plano mo.

Masuwerteng numero; 13,14,25,26

TANDANG (ROOSTER)

Magkakaroon ka ng bagong libangan na matatagpuan mo sa social media. Kakainin nito ang malaking porsiyento ng oras mo kaya maraming bagay kang makakaligtaang gawin. Dapat mo itong limitahan kung ayaw mong magkaroon ng problema.

Masuwerteng numero; 1,12,22,27

ASO (DOG)

Ang maliit na pagkakawanggawa mo ay malaking bagay sa iba. Para sa kanila, ito ay isang biyayang mula sa langit at ang instrumentong ginamit ay ikaw. Dahil dito ay tataas ang tingin nila sa’yo kaya ipagpatuloy mo lang.

Masuwerteng numero; 10,17,28,30

BABOY (PIG)

Magkakaroon ka ng pagkakataon na makausap ng masinsinan ang iyong mahal tungkol sa isang importanteng bagay. May kinalaman ito sa mga plano nyo sa hinaharap na mauudlot dahil sa ilang hindi inaasahang problema.

Masuwerteng numero; 7,8,12,15

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here