Chinese Horoscope; Disyembre 11

109

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

May mga tanong ka mula sa nakaraan ang masasagot ngayong araw. Mabibigyang kasagutan ito dahil sa pagkukrus nyo ng landas ng isang tao na may kinalaman sa iyong nakalipas. Dahil dito ay mapapanatag na ang loob mo.

Masuwerteng numero; 11,22,30,35

BAKA (OX)

Wala kang dapat ikatakot sa magiging pagbabago sa iyong trabaho. Makakaya mo pa ring gampanan ang tungkulin mo kahit pa ikaw ay manibago. Ang kailangan lang ay magpokus ka at iwasan muna ang mga balakid.

Masuwerteng numero; 2,13,16,42

TIGRE (TIGER)

Huwag kang umasa na tutuparin niya ang kanyang mga pangako. Mas magkakaroon ka ng kapanatagan kung kikilos ka para sa sarili mo at sa iyong mga anak. Makakaya mo ang lahat kung pagsisikapan mo at pagtitiyagaan.

Masuwerteng numero; 40,49,51,53

KUNEHO (RABBIT)

Maging alerto sa mga kasamahan sa trabaho. May mga magmamalasakit sa’yo subalit meron ding masama ang magiging impresyon. Pero hindi ibig sabihin ay hahayaan mo na lang na manipulahin ka nila. Ipakita mo ang iyong galing.

Masuwerteng numero; 12,20,26,33

DRAGON (DRAGON)

Magiging masaya ka sa bago mong relasyon. Malaki ang pagkakaiba nito sa dati subalit kailangang iwasan mo ang pagkukumpara dahil hindi ito makakatulong sa inyong samahan. Sa halip ay magpokus sa kasalukuyan.

Masuwerteng numero; 26,31,32,40

AHAS (SNAKE)

Bawat salitang binibitawan mo ay tumatatak sa isip at puso ng isang taong malapit sa’yo kaya naman kailangan mong pag-ingatan ang iyong mga bibigkasin dahil maari mo siyang masaktan kahit di mo sinasadya.

Masuwerteng numero; 10,18,24,46

KABAYO (HORSE)

Hindi magiging maganda ang sitwasyon mo ngayon sa trabaho dahil sa mga proyektong hindi matatapos. Kailangan mong pag-isipan kung paano ito masosolusyunan ng madalian kung ayaw mo na lumala pa ang sitwasyon.

Masuwerteng numero; 13,15,27,35

TUPA (SHEEP)

Ingatan ang kalusugan. Hangga’t maaari ay magconcentrate muna sa mga healthy foods. Kalimutan na rin ang pagda-diet kung wala pang sapat na kaalaman tungkol dito dahil maaari lang itong magdulot ng hindi maganda sa iyong katawan.

Masuwerteng numero; 4,8,18,20

UNGGOY (MONKEY)

Kahit may mga tao na gusto kang i-down ay mananatili ka sa top kung nasaan ka ngayon. Walang makakapigil sa patuloy na pagdating ng biyaya sa iyong buhay. Ipagpatuloy mo lang ang pagiging positibo.

Masuwerteng numero; 12,24,26,32

TANDANG (ROOSTER)

Mauubos ang oras mo sa mga gawaing bahay. Pero magiging magaan naman ito para sa’yo dahil meron kang makakatulong at higit sa lahat ay marami kang maaayos mula sa mga lumang galit. Kaya sa gabi ay payapa kang makakatulog.

Masuwerteng numero; 52,55,56,67

ASO (DOG)

Magkakamali ka ng iniisip sa isang tao. Maaaring hindi naging maganda ang una ninyong pagkikita subalit ngayon niya mapapatunayan sa’yo na hindi siya tulad ng iniisip mo. Kahit papa’no ay ikatutuwa mo na ito.

Masuwerteng numero; 23,24,42,47

BABOY (PIG)

Maaliwalas ang araw na ito para sa’yo. Ang lahat ay magiging magaan lang. Wala man sa tabi mo ang iyong mahal ay kampante ka namang magagawa mo ang mga dapat mong gawin. At panatag ka ring hindi ka niya lolokohin.

Masuwerteng numero; 3,11,14,18

SHARE
Previous articlePamahiin Bahing: Nagpapahiwatig ng babala
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 11, 2019

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here