Chinese Horoscope; Disyembre 10

109

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Ikaw ang higit na nakakaalam ng iyong responsibilidad. Huwag mong pakinggan ang sinasabi ng iba dahil guguluhin lamang nito ang iyong isipan. Gawin mo kung ano sa tingin mo ang tama upang maiwasan ang pagkakamali.

Masuwerteng numero; 23,24,35,36

BAKA (OX)

Magkakaroon ka ng lakas ng loob para sabihin sa’yong mahal ang iyong mga hinaing sa inyong relasyon dahil sa isang magandang pagkakataon. Kailangan mo itong samantalahin dahil papabor ang araw na ito para sa’yo.

Masuwerteng numero; 11,17,19,22

TIGRE (TIGER)

Kung hindi imbitado sa isang okasyon ay huwag nang dumalo dahil hindi ka lang din magiging masaya. Magkakaroon ka lang ng awkward moment at masasayang lang ang araw mo kaya piliin na lang ang magpahinga sa bahay.

Masuwerteng numero; 4,13,19,30

KUNEHO (RABBIT)

Isang kaibigan ang lalapit sa’yo para sa muling pagkakataon ay manghiram ng pera. Sadyang malambot ang puso mo sa kanya kaya naman sa kabila ng hindi maganda niyang record sa pangungutang ay pagbibigyan mo pa rin siya.

Masuwerteng numero; 42,45,54,58

DRAGON (DRAGON)

Mapapailing ka na lang sa mga mababasa mo sa social media. Kahit pa ayaw mong magpaapeko rito ay hindi mo maiiwasan na hindi maapektuhan kaya pipiliin mo na lang na huwag nang magkomento para hindi na lumala pa ang nararamdaman.

Masuwerteng numero; 21,32,40,44

AHAS (SNAKE)

Dapat ka nang maging aware sa iyong kalusugan. Ang pagsulpot sulpot ng iyong hindi magandang pakiramdam ay isang senyales na may umuusbong na karamdaman sa iyong katawan kaya maging health conscious.

Masuwerteng numero; 3,11,14,16

KABAYO (HORSE)

Isang importanteng pagdiriwang ang hindi madadaluhan dahil sasamaan ng pakiramdam. Labis mo itong panghihinayangan dahil matagal mong hinintay ang okasyon na ito. Wala kang magagawa kundi pagalingin na muna ang sarili.

Masuwerteng numero; 30,37,58,65

TUPA (SHEEP)

Magiging masaya ang bawat oras na lilipas dahil nasa tabi mo lang ang taong lihim mong minamahal. Kahit hindi pa niya malaman ang tunay mong damdamin ay masaya ka nang makasama at makausap man lang siya.

Masuwerteng numero;

UNGGOY (MONKEY)

Talasan ang pakiramdam dahil may magpapanggap na malapit sa’yo para sa pansarili niyang intensyon. Hangga’t maaari ay iwasang makipagtransaksyon sa taong hindi naman kilala na lalo na at ito ay nasa malayong lugar.

Masuwerteng numero; 3,5,15,26

TANDANG (ROOSTER)

Ikaw ang magiging daan para sa muling pagkakasundo ng dalawang taong may hindi pagkakaunawaan dahil sa pera. Pero hindi ibig sabihin ay may karapatan ka nang panghimasukan ang iba pa nilang problema.

Masuwerteng numero; 54,57,59,69

ASO (DOG)

Ang oportunidad na dumating ay maaari ring mawala agad-agad at lumipat sa ibang tao kung ipagpapatuloy mo ang pagbabalewala rito. Dapat kang maging matalino sa pagtanggap ng mga biyaya upang walang pagsisihan.

Masuwerteng numero; 41,43,65,68

BABOY (PIG)

Mapupuno ng saya ang buong maghapon mo dahil sa isang taong darating na walang ibang intensyon kundi ang pasayahin ka. Dapat mong ipagpasalamat sa Diyos ang pagdating ng taong ito sa buhay mo ngayon.

Masuwerteng numero; 60,61,63,70

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here