Chinese Horoscope Disyembre 1, 2022

DAGA (RAT)

Magiging maaliwalas ang araw mo simula pa lang sa umaga hanggang sa gabi. Ito ay dahil sa mga bisitang darating na may bitbit na magagandang balita para sa’yo at sa iyong pamilya. Huwag kalimutang magpasalamat.

Masuwerteng numero; 14,20,25,32

BAKA (OX)

Huwag kang gagawa ng kahit na anong aksyon na pagsisisihan mo sa huli. Mas makakabuti kung ang bawat pagdedesisyon na gagawin mo na may kinalaman sa problemang kinakaharap ngayon ay ikokonsulta sa mga nakakatanda.

Masuwerteng numero; 35,36,40,45

TIGRE (TIGER)

Magkakaroon ka ng pag-aalinlangan sa binabalak na pagreresign sa trabaho dahil sa mga hindi inaasahang pagbabago ngayong araw. Kahit papa’no ay mabubuhayan ka ng loob na ipagpatuloy ang nasimulan.

Masuwerteng numero; 30,49,51,53

KUNEHO (RABBIT)

Magiging mailap pa ang suwerte sa araw na ito. Walang paggalaw na magaganap sa iyong buhay.Subalit mas malaki ang posibilidad ng kamalasan kaysa swerte kaya mas makakabuti kung paiiralin ang pagiging positibo.

Masuwerteng numero; 11,17,21,38

DRAGON (DRAGON)

Isang kaibigan ang makakatampuhan. Ito ay magmumula lang sa maliit na bagay. Iwasan ang makinig sa mga sali-salita lang ng kung sini-sinong tao. Kung may nais sabihin ay idirekta na sa kaibigang nakatampuhan upang matapos ang hidwaan.

Masuwerteng numero;5,7,10,12

AHAS (SNAKE)

Susubukin ngayon ng tadhana ang haba ng iyong pasensya sa paghihintay sa isang tao. Bagama’t meron siyang dahilan ay hindi pa rin maiiwasan na makadama ng labis na pagkainis dahil sa magiging sitwasyon..

Masuwerteng numero; 1,2,14,15

KABAYO (HORSE)

Sa ayaw at sa gusto mo ay mahuhusgahan ka ngayong araw ng mga tao na hindi mo man gaanong kilala ay mga nagpapanggap namang malapit sa’yo. Mag-ingat sa mga ganitong klase ng tao na mas malapit sa iyong mga kamag-anak.

Masuwerteng numero; 51,54,64,67

TUPA (SHEEP)

Magiging magaan ang araw mo sa negosyo dahil sa magandang daloy ng pera. Ang mga customers mo ay may taglay na suwerte sa kanilang pagkatao kaya labis mo itong ikatutuwa . Samantalahin ang araw na ito.

Masuwerteng numero; 27,35,40,49

UNGGOY (MONKEY)

Makakaramdam ng labis na pagkainip kaugnay sa hinihintay na malaking proyekto sa trabaho. Subalit wala kang magagawa kundi maghintay. Dagdagan mo pa ang effort at panalangin dahil ang para sa’yo ay ibibigay para sa’yo.

Masuwerteng numero; 65,66,69,70

TANDANG (ROOSTER)

Magiging masaya kasama ang mga kaibigan sa isang pamamasyal. Ang bawat oras ay mapupuno ng kuwentuhan at pag-alala sa inyong mga nakaraan. May saya at pait na mananariwa sa mga mapag-uusapan.

Masuwerteng numero; 43,46,51,60

ASO (DOG)

Isa sa iyong mga ex ang nakatakdang magbalik sa buhay mo. Ngayong araw ay magkukrus ang inyong landas at ito ay masusundan pa sa mga susunod na araw. Ihanda ang sarili sa isang kumplikadong buhay..

Masuwerteng numero; 13,17,20,32

BABOY (PIG)

Maghinay hinay sa pagbibitaw ng mga salita sa isang tao na hindi mo pa gaanong kilala. Malaki ang posibilidad na ikaw ay makapanakit ng damdamin at maging doble ang balik nito sa’yo sa susunod na araw.

Masuwerteng numero; 22,25,45,65