Chinese Horoscope Disyembre 1, 2020

1120

Daga (Rat)

Namumublema ka dahil sa problema ng iba. Huwag ganoon, maaari mo naman silang tulungan pero wag mong akuin ang kanilang responsibilidad. Kung hindi, never kang susuwertehin.

Masuwerteng numero;  25, 27, 51, 56

Baka(Ox)

Huwag kang mabuhay sa pagbabakasakali. Kailangan mong magsiguro dahil iyon ang  nararapat. Isipin mo ang  kinabukasan kaya mas gamitin mo ang iyong isip. Malas ka sa pulang pagkain.

Masuwerteng numero;  30, 42, 48, 69

Tigre (Tiger)

Huwag kang magmarunong kung hindi mo naman alam ang puno’t dulo. Magiging katawa-tawa ka kasi. Masuwerte ka sa kulay blue. Mapalad ka sa numero sais.

Masuwerteng numero;  4, 17, 32, 36

Kuneho (Rabbit)

Huwag kang magtitiwala sa hindi mo kakilala, lalo na’t nagpapabago-bago ng salita. Dahil ang taong ‘yan ay hindi marunong gumalang sa kanilang salita. Pabago-bago pa sila ng isip. Huwag kang maniniwala sa taong mangangako ng isang libo dahil kapirangot lang ang ibibigay niyan sa’yo.

Masuwerteng numero;  15, 18, 20, 23

Dragon

Nasa kamay mo ang pagbabago kaya magtrabaho ka. Huwag kang umasa kung kani-kanino. Mapalad ka at kahit masama ang ugali mo, may pamilya ka pa ring lubos na nagmamahal at sumusuporta sa’yo kahit puro kapalpakan ka.

 Masuwerteng numero;  2, 9,47, 59

Ahas (Snake)

Traydor ang isang kaibigan kaya dapat ay mag-ingat ka. Huwag kang magtitiwala sa kanyang magagandang salita dahil siya ay nagbabalat-kayo lamang upang kunin ang perang pinaghirapan mo.

Masuwerteng numero;  40, 44, 48, 51

Kabayo (Horse)

Kung magmamahal ka, mahalin mo rin ang iyong sarili. Huwag mo hayang binabastos ka ng mahal mo dahil darating ang araw, mawawalan ka na rin ng respeto sa’yong sarili. Masuwerte ka sa kulay black.

Masuwerteng numero;  36, 39, 57, 66

Tupa(Sheep)

Hindi porke mayaman siya, nakakasiguro ka ng magkakaroon ka nang magandang buhay. Isang malaking kalokohan ‘yan. Dahil magulang lang niya ang mayaman at siya ay mayrong miserableng buhay. Huwag mong hayaan na masira ang buhay mo dahil sa maling pag-ibig. Mapalad ka kung makikipagkalas ka sa kanya.

Masuwerteng numero;  12, 26, 36, 55

Unggoy (Monkey)

Hindi man kaguwapuhan ang susunod mong karelasyon pero may mabuti siyang puso kaya malaki ang posibilidad na siya na ang ka-forever mo. Malas ka sa taong malilit ang mata. Nakatakda ka kasi sa taong malalaki ang mata at maitim na kulay.

Masuwerteng numero;  16, 20, 47, 49

Tandang(Rooster)

Huwag kang kain ng kain dahil mabubulunan ka lang at mapapahiya ka dahil dadahak ka sa harap ng crush mo. Kaya, mawawalan ka nang pag-asa na magustuhan ka niya.

Masuwerteng numero;  9, 19, 20, 48

Aso (Dog)

Huwag kang sunud nang sunod sa inutos sa’yo. Malamang, niloloko ka lang ng tao na ‘yan. Hindi niya gugustuhing ibigay sa’yo ang nais mo kaya tumigil ka na at mag-isip. Kawawa ka lang kasi kung magpapauto ka pa.

Masuwerteng numero;  7, 22, 43, 50

Baboy(Pig)

Magpahinga ka naman. Hindi ka nabubuhay para lang kumain at magtrabaho. Magiging sanhi ‘yan ng problema mo sa kalusugan. Kaya, hinay-hinay na sa pagnguya at pag-lafang ng sitsirya. Malas ka sa kulay pula, dilaw at puti. Iwasan muna ang may ganitong kulay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here