Chinese Horoscope; Agosto 9

1503

DAGA (RAT)

Balik ka na naman sa mahirap na pagdiskarte para sa iyong pamilya. Pero kahit na magreklamo ka ay wala ka namang mapagpipilian. Kailangan mong kumita kahit na sa paanong paraan upang magpatuloy ang buhay.

Masuwerteng numero; 13,15,17,19

BAKA (OX)

May malaking biyaya kang mabibingwit mula sa dating kaibigan na muli mong makaka-krus ng landas. Kaya naman ikatutuwa mo ng labis ang muli ninyong pagkikita. Aasa ka na marami ka pang mapapala sa kanya.

Masuwerteng numero; 35,38,40,41

TIGRE (TIGER)

Blessing in disguise ang isang hindi magandang pangyayari ngayong araw. Dahil bago matapos ang maghapong ito ay may magandang ibubunga ang pangyayaring ito na ikagugulat at ikatutuwa mo maging ng iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 57,59,60,64

KUNEHO (RABBIT)

Anuman ang hirap na pinagdaanan mo nitong mga nakaraang buwan ay mapapawi ngayong araw dahil sa malaking biyaya na mapapasakamay mo. Aanihin mo ngayon ang bunga ng pagod at pagpupuyat mo para rito.

Masuwerteng numero; 25,27,29,32

DRAGON (DRAGON)

Wala kang masasabi sa kabutihang loob na ipapakita sa’yo ng bagong kakilala. Gayunpaman ay hindi mo pa rin maibibigay ng buo ang iyong tiwala. Maraming beses ka ng naloko at naabuso ang iyong tiwala kaya mag-iingat ka na ngayon.

Masuwerteng numero; 3,4,6,9

AHAS (SNAKE)

Ituloy mo lang kung anumang klaseng pagtulong ang ginagawa mo ngayon. Hindi ka man mapansin ng marami ay sigurado namang mapapansin ka ng Diyos at siya na ang bahala sa’yo at sa kabutihang ipinamamalas mo.

Masuwerteng numero; 55,60,67,68

KABAYO (HORSE)

Isang hindi magandang balita ang matatanggap mo mula sa malayong kamag-anak. Pansamantala kang matitigil sa iyong mga gawain upang pag-isipan ito ng mabuti. Ito ang magiging laman ng isip mo sa buong maghapon.

Masuwerteng numero; 13,23,30,31

TUPA (SHEEP)

Mula sa dati mong trabaho ay magshi-shift ka ngayon sa isang trabaho na hindi mo gamay at may mas mababang sweldo. Pero sa kabila nito ay hindi ka magrereklamo at sa halip ay ipagpapasalamat mo na kahit papa’no ay may kita ka pa rin. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 11,12,25,26

UNGGOY (MONKEY)

Wala kang magagawa sa nais mangyari ng nakatatanda sa inyong pamilya. May kinalaman ito sa inyong matagal ng kabuhayan. Kahit maging masakit para sa inyo ay kakailanganin nyo na itong ibenta para sa ikabubuti ng inyong pamilya.

Masuwerteng numero; 78,79,80,83

TANDANG (ROOSTER)

Magkakasunod na magagandang balita ang tatanggapin mo ngayong araw na ito. Kaya naman wala kang mapagsisidlan ng tuwa. Ang mga maliliit na problemang susulpot ay isasantabi mo muna dahil hindi mo gusto na masira ang magandang araw mo. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 4,14,15,20

ASO (DOG)

Sa lahat ng ayaw mo ay ang pinagsisinungalingan ka. Kaya naman labis ang sama ng loob na mararamdaman mo sa oras na malaman mo na tinatraydor ka ng isang kaibigan. Hindi ka makakaiwas sa senaryong ito.

Masuwerteng numero; 38,42,43,54

BABOY (PIG)

Walang ibang nakakaalam ng totoo mong pagkatao kundi ang mga tao na kasama mo sa bahay. Kaya kung anuman ang kumalat na hindi magandang balita tungkol sa’yo ay wala kang dapat ipaliwanag sa kanila.

Masuwerteng numero; 51,62,64,79 ©PhilippineOne.com  2020

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here