Chinese Horoscope; Agosto 8

1252

DAGA (RAT)

May makakaligtaan kang gawin ngayon na napakaimportante. Dahil dito ay malalagay ka sa alanganing sitwasyon sa susunod na araw at hindi maiiwasan na maapektuhan ang posisyon mo sa iyong kasalukuyang trabaho. ©Philippineone.com

Masuwerteng numero; 28,34,36,40

BAKA (OX)

Hindi mo ito inaasahan pero isang kaibigan ang maglalaglag sa’yo. Kung sino pa ang pinili mong pagkatiwalaan ay siya pa ang maglalagay sa’yo sa kapahamakan. Kaya naman labis ang sama ng loob na mararamdaman mo.

Masuwerteng numero; 40,41,45,50

TIGRE (TIGER)

Mahusay mong magagampanan ang iyong trabaho sa kabila ng pandemyang kinakaharap. Dahil dito ay aani ka ng papuri mula sa mga nakatataas. Magsisilbi rin itong inspirasyon para ipagpatuloy mo ang iyong ginagawa. ©Philippineone.com

Masuwerteng numero; 11,13,19,20

KUNEHO (RABBIT)

Makakaramdam ka ng labis na pagkainip sa bahay kaya maiisipan mong lumabas kahit wala ka namang importanteng pakay sa labas. Magdudulot sa’yo ng maliit na disgrasya ang pagiging pasaway mo sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 52,53,60,66

DRAGON (DRAGON)

Hindi magiging madali para sa’yo na kumbinsihin ang iyong mga magulang sa nais mong mangyari. Kabutihan para sa inyong hinaharap ang iniisip mo pero mabuting kalusugan at kalagayan mo naman ang iniisip nila para sa’yo.

Masuwerteng numero; 57,58,59,72

AHAS (SNAKE)

Matatagalan pa bago mangyari ang inaasam mong pagbabago ng iyong buhay. Sa ngayon ay patuloy ka pa ring magtitiyaga at magsisikap para rito. May mga bagong option kang pagpipilian para higit na mapabuti ang kasalukuyang sitwasyon. ©Philippineone.com

Masuwerteng numero; 30,31,42,43

KABAYO (HORSE)

Ipagpatuloy mo lang ang panalangin sa Diyos dahil malapit na niyang pagbigyan ang kahilingan mo. Maawain siya sa mga tao na may matibay na pananalig sa kanya kaya kailangan mo lang kumapit sa iyong paniniwala.

Masuwerteng numero; 4,6,7,9

TUPA (SHEEP)

Mag-ingat sa iyong paglabas labas dahil malapit ka ngayon sa aksidente. Iwasan ang lugar na sa tingin mo ay delikado. Hindi makakabuti para sa’yo ang pakikipagsapalaran. Mas makakabuti kung mananatili sa bahay sa loob ng maghapong ito. ©Philippineone.com

Masuwerteng numero; 70,71,78,89

UNGGOY (MONKEY)

Ikaw lang ang tanging maaasahan ng pamilya mo sa ngayon kaya hindi mo sila dapat biguin. Makakaramdam ka ng panghihina ng loob pero sasarilinin mo lang ito at susubukan pa rin na maging matatag.

Masuwerteng numero; 12,21,22,26

TANDANG (ROOSTER)

Dahil hindi ka maaaring makalabas sa ngayon kaya naman makukuntento ka na lang muna na makita at makausap ang mga mahal sa buhay na nasa malayo. Subalit hindi pa rin nito maiibsan ang pag-aalala nyo sa bawat isa.

Masuwerteng numero; 19,20,38,39 Philippineone.com

ASO (DOG)

Mabibigo kang makuha ang trabaho na inaasam. Ito lang ang alam mong magsasalba sa inyo ngayon pero magiging mailap pa rin sa’yo. Huwag masyadong mag-alala dahil nakikita ng Diyos ang iyong mga sakripisyo.

Masuwerteng numero; 57,67,68,72

BABOY (PIG)

May mababalitaan kang magandang pangyayari mula sa isang kamag-anak sa malayo. Dahil dito ay mabubuhayan ka ng loob at magkakaroon ka ng inspirasyon sa mga planong matagal mo ng gustong gawin.

Masuwerteng numero; 10,20,21,24

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here