Chinese Horoscope Agosto 7

943

Latest posts by Madame Yna (see all)

Tunghayan ang Chinese Horoscope Agosto 7

Daga (Rat)

Huwag kang masyadong sakim. Matuto ka ring magbigay para gumaan ang iyong buhay. Basta sundin mo rin ang sinasabi ng iyong puso.Kung minsan kasi ay takot ka lang magmahal dhil ayaw mong mabigo. Sana, maging matapang ka rin.

Baka(Ox)

Ito na ang pagkakataon mo para magkaroon ka ng santambak na pera. Ang kailangan mo lang namang gawin ay seryosohin ang iyong trabaho. Mapalad ka sa kulay brown, red at blue. Masuwerte ka rin sa mga umerong 3 at 5.

Tigre (Tiger)

Pagbutihin mo ang mga ginagawa mo at tiyak na gaganda ang iyong kapalaran. Ang suwerte mo kasi ay nasa iyong kamay. Ibig sabihin, anuman ang gawin mo ay magtatagumpay ka. Kaya, isipin mo na kung ano ang dapat mong gawin.

Kuneho (Rabbit)

Kung single ka pwede ka naman makipagrelasyon nang makipagrelasyon pero hindi ibig sabihin nito ay maaari ka na magpakasal. Ikaw kasi ang tipo ng tao na mas nagtatagumpay kung mag-isa lang sa buhay.

Dragon

Kahit na magsisi ka pa ng kung ilang milyong beses, hindi mo na mababago pa ang nangyari na. Kaya, huwag kang pabigla-bigla sa pagdedesisyon.

Ahas (Snake)

May mga misteryong nakapaloob sa pag-ibig. Kung talagang nagmamahal ka, huwag kang sumuko. Sa takdang panahon ay maaangkin mo rin ang pag-ibig na iyong inaasam. Basta huwag ka lang magpapaloko sa taong hindi naman karapat-dapat sa pag-ibig mo.

Kabayo (Horse)

Maraming magagandang balita ang paparating kaya huwag ka na mainip. Hintay ka lamang at magbabago na rin ang iyong buhay.

Tupa(Sheep)

Huwag ka munang gumala ngayon dahil may aksidenteng magaganap at hindi ka dapat makasama roon. Makabubuti pang tumigil ka na lang sa bahay at mag-relax ka. Sa pamamagitan niyan ay magiging maayos pa ang buhay mo.

Unggoy (Monkey)

Mag-concentrate ka muna sa’yong trabaho. ‘Yan ang magiging daan para magawa mong baguhin ang iyong buhay.

Tandang(Rooster)

Kapag nagawa mo ng malinawan ang mga ibinigay na problema sa’yo, makakahinga ka na rin ng maluwag. Mapagtatanto mo na wala ka naman talagang kasalanan. Kaya, next time, huwag kang basta magtitiwala.

Aso (Dog)

Huwag kang masyadong mataranda. Kailangan ay relax ka lang para makapag-isip ka ng maganda. Masuwerte ka sa kulay maroon at brown.

Baboy(Pig)

Nakakatuwa ang araw na ito para sa’yo dahil siguradong masisiyahan ka ng sobra-sobra. Paano ba naman kasi, marami kang good news na matatangap na may kaugnayan sa’yong trabaho at lovelife.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope Agosto 7.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articleKapangyarihan: Ang iba’t ibang psychic powers
Next articleAng Direksyon na Tinatahak ng isang Batang Hamog

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here