Chinese Horoscope; Agosto 7

1489

DAGA (RAT)

Ang maghapong ito ay maigugugol mo sa pagpaplano ng negosyong iniisip mong buksan. Bagamat may pera ka ng gagamitin para rito ay marami ka pa ring dapat ayusin bago mo ito simulan at kakailanganin mo ang tulong ng mas may kaalaman dito.

Masuwerteng numero; 57,58,59,60

BAKA (OX)

Makakahawak ka ng malaking halaga ngayon pero namnamin mo ng mabuti dahil hindi rin ito magtatagal sa iyong mga kamay. May mga pinaglalaanan na ito na hindi mo dapat balewalain kung ayaw mong mabulilyaso. PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 14,15,20,22

TIGRE (TIGER)

Sa ayaw at sa gusto mo ay mananatili ka sa inyong tahanan sa araw na ito. Kahit bored na bored ka na ay wala kang magagawa kundi palipasin ang maghapon. Marami kang magagawa kung tutuusin pero sadyang tatamarin ka lang.

Masuwerteng numero; 6,8,19,23

KUNEHO (RABBIT)

Makakadama ka ng matinding kalungkutan dahil sa muling pagkaudlot ng iyong trabaho. Pakakaisipin mo ngayon ang magiging sitwasyon ng iyong pamilya. Hindi pa man ay mamomroblema ka na ng husto kung paano palilipasin ang mga araw na darating.

Masuwerteng numero; 7,12,13,20

DRAGON (DRAGON)

Wala kang dapat ipag-alala sa isang hindi magandang pangyayari na naganap kamakailan lang sa pagitan nyo ng isang kaibigan. Mas malaki pa sa inaakala mo ang pang-unawa niya kaya naman maiintindihan ka niya.

Masuwerteng numero; 1,2,14,25

AHAS (SNAKE)

Isang sikreto ang maipagtatapat mo sa isang bagong kaibigan nang di na pinag-iisipan. Bagamat siya ay bago pa lang kakilala, magaan na agad ang loob mo sa kanya na para bang matagal mo na siyang kilala kaya naman pagkakatiwalaan mo siya. PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 43,45,57,58

KABAYO (HORSE)

May malaking pagbabagong magaganap sa iyong matagal ng negosyo kasabay ng napakaraming pagbabagong idinulot ng kasalukuyang pandemya. May advantage at disadvantage ito para sa’yo at sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 32,39,49,51

TUPA (SHEEP)

Walang patutunguhan ang pagdadrama mo sa isang kamag-anak. Kahit pa anong gawin mo ay hindi na magbabago pa ang isip niya kaugnay sa problemang kinakaharap nyo pare-pareho. Magsisilbi itong aral para sa’yo.

Masuwerteng numero; 61,62,79,80

UNGGOY (MONKEY)

Makakatagpo ng bagong kakampi sa katauhan ng isang bagong kaibigan. Sa kanya mo masasabi ang mga hinaing na hindi mo masabi sa sinumang miyembro ng iyong pamilya. Sa kanya ay maipapakita mo ang tunay na ikaw. PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 10,11,24,25

TANDANG (ROOSTER)

Sasapian ka ng espiritu ng kasipagan ngayon. Ultimo kaliit liitang gawain na hindi mo napapansin noon ay makikita at mapagtutuunan mo na ng pansin ngayon. Kaya naman marami kang matatapos na gawain ngayon araw.

Masuwerteng numero; 76,79,83,84

ASO (DOG)

Masisiyahan ka ngayong araw dahil may malaking gawain kang matututunan sa bahay. Kaya naman gaganahan kang alamin pa at tuklasin ang mga bagay na sa tingin mo ay kaya mo naman gawain na dati ay kinatatakutan mo.

Masuwerteng numero; 50,51,66,69

BABOY (PIG)

Isang kaibigan ang kokontak sa’yo para humingi ng tulong. Mapapaisip ka kung talaga bang nangangailangan siya gayong mukhang maayos naman ang kalagayan niya sa nakikita mong mga post niya sa social media.

Masuwerteng numero; 33,34,44,49

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here