Chinese Horoscope Agosto 7, 2022

DAGA (RAT)

Kung hindi ka magsasalita ay maiiwasan ang komprontasyon sa araw na ito. Mas mabuti na iyon dahil hindi maganda ang araw na ito para sa komprontasyon. Pag-isipan munang mabuti ang mga sasabihin at gagawing aksyon.

Masuwerteng numero; 1,13,25,56

BAKA (OX)

Matutong makinig sa sinasabi ng mga matatanda. Hinog na sila sa karanasan at mas higit ang kanilang nalalaman kaysa sa’yo. Bago ka humindi ay pag-isipan mo munang mabuti ang kanilang mga sinasabi upang maiwasan mo ang pagsisisi sa huli.

Masuwerteng numero; 40,43,56,67

TIGRE (TIGER)

Huwag kang masyadong magtiwala sa isang bagong kakilala. Hindi lahat ng nakangiti sa’yo ay totoo na sa’yo. Madali lang ang ngumiti at maging mabait sa harap ng isang tao kung merong intensyon kaya’t maging alisto.

Masuwerteng numero; 10,20,33,41

KUNEHO (RABBIT)

Kailangan mong bigyan ng atensyon ngayon ang iyong kalusugan. Makakaranas ka ng pagsama ng pakiramdam at dapat lang na tukuyin mo ang pinagmumulan nito upang hindi na lumala pa at makadagdag sa iyong problema.

Masuwerteng numero; 15,35,46,60

DRAGON (DRAGON)

Hindi mo mapapansin ang pagdaramdam ng isang taong malapit sa’yo dahil nakatuon ang atensyon mo sa isang mahalagang bagay para sa’yo. Kailangan mong matutunan na i-manage ng maayos ang iyong oras at panahon sa tunay na mas mahalaga sa’yo.

Masuwerteng numero; 10,33,45,50

AHAS (SNAKE)

Makakaramdam ka ng labis na pagkairita sa iyong karelasyon dahil sa pagiging sunud-sunuran nito sa kanyang mga kamag-anak. Pero hindi ka aalma dahil gusto mo siyang intindihin alang-alang sa inyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 56,58,69,77

KABAYO (HORSE)

Mahihirapan kang unawain ang isang miyembro ng pamilya sa pabago-bago nitong isip. Malilito ka rin sa paiba-iba niyang pagpapasya kaya’t mamarapatin mo na munang hayaan siya at abangan na lang ang resulta ng kanyang mga desisyon.

Masuwerteng numero; 17,39,42,58

TUPA (SHEEP)

Isang sorpresa ang matatanggap mo mula sa iyong mahal. Hindi mo ito inaasahan sa kanya kaya’t labis mo itong ikatutuwa. Iwasan na lang na maging madaldal sa mga taong sa tingin mo ay hindi mo mapagkakatiwalaan.

Masuwerteng numero; 3,14,15,30

UNGGOY (MONKEY)

Makakadama ng kalungkutan dahil sa hindi magandang kalagayan ng isang kamag-anak. Bagamat hindi kayo naging malapit sa isa’t-isa ay hindi mo naman gugustuhin na malagay siya sa isang hindi magandang sitwasyon.

Masuwerteng numero; 6,19,20,21

TANDANG (ROOSTER)

Isang kaibigan ang lalapit sa’yo para humingi ng tulong. Kahit na nasa kagipitan ka rin ngayon ay magagawan mo pa rin ng paraan na siya ay matulungan. Hindi man mula sa sarili mong bulsa kundi mula sa isang kakilala.

Masuwerteng numero; 15,26,34,40

ASO (DOG)

Malilito ka kung bibigyan mo ng isa pang pagkakataon ang isang tao na nagkasala sa’yo o bibitaw ka na. Mas makakabuti kung bibigyan mo muna ng panahon ang iyong sarili na makapag-isip bago magdesisyon.

Masuwerteng numero; 7,8,9,10

BABOY (PIG)

Magiging mabait sa’yo ang kapalaran sa araw na ito. Pagbibigyan ka niya sa nais mong mangyari kahit pa against ito sa mga taong nakapaligid sa’yo. Walang makakapigil sa’yo kahit pa ang mga taong malalapit sa’yo.

Masuwerteng numero; 22,23,49,66

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here