Chinese Horoscope; Agosto 6

1489

DAGA (RAT)

Hindi mo maikakaila sa sarili na nagkamali ka ng paghusga sa isang tao na bago mo pa lang nakikilala. Mabuti na lamang at isinaloob mo lamang ito dahil kung hindi ay siguradong mapapahiya ka hindi lang sa kanya kundi sa marami.

Masuwerteng numero; 35,37,38,40

BAKA (OX)

Hindi na magiging mahalaga sa’yo anuman ang isipin ng ibang tao. Mas importante ang kahihinatnan ng iyong gagawing pagpapasya kaya sisiguruhin mo na magiging maayos ito at papabor sa iyo at sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 11,13,20,25

TIGRE (TIGER)

Tatanggap ka ng malaking biyaya sa araw na ito. Pero sa dami ng nakapilang bayarin ay hindi mo rin ito masyadong mararamdaman. Lalo na ng mga nasa paligid mo na umaasang maambunan mo rin sila kahit na papa’no.

Masuwerteng numero; 70,71,72,85

KUNEHO (RABBIT)

May bagong business kang matututunan. Pero hindi mo pa ito mabibigyan ng katuparan sa ngayon dahil sa marami ka pang kailangang ayusin kaugnay nito. Gayunpaman, alam mo na hindi mawawala ang interes mo rito.

Masuwerteng numero; 6,8,19,23

DRAGON (DRAGON)

May malaking aral kang matututunan mula sa isang tao na mapapanood mo lamang sa internet. Ang kanyang mga sasabihin sa isang video ay tatagos sa puso mo at pipiliin mo na maisabuhay ito hangga’t maaari.

Masuwerteng numero; 45,50,56,58

AHAS (SNAKE)

Makakaramdam ka ng labis na stress dahil sa katigasan ng ulo ng isang miyembro ng pamilya. Sa maghapong ito ay pag-uusapan nyo ng buong pamilya kung ano ang dapat gawin upang mapasunod nyo ito sa dapat.

Masuwerteng numero; 7,22,24,37

KABAYO (HORSE)

Kahit na ayaw na ayaw mong lumabas sa araw na ito ay wala kang magagawa dahil meron kang importanteng kailangang gawin sa labas. Hindi ka naman magsisisi dahil magiging maayos at ligtas ang lakad mo.

Masuwerteng numero; 10,20,34,35

TUPA (SHEEP)

May magandang pangyayaring nag-aabang sa’yo ngayong araw kaya huwag kang tutulog tulog. Umpisahan mo ang umaga sa masiglang gising at positibong pananaw upang hindi maitaboy ang suwerte.

Masuwerteng numero; 46,49,56,59

UNGGOY (MONKEY)

Masyado kang magiging abala ngayon sa trabaho. Ikaw ang tanging mapagkakatiwalaan ng iyong boss sa isang proyekto na kailangan mong matapos sa loob lamang ng isang buwan. Kaya hindi mo gugustuhin ang anuman o sinumang istorbo.

Masuwerteng numero; 67,68,70,72

TANDANG (ROOSTER)

Magiging mailap pa rin ang hinihintay na suwerte. Gayunpaman ay hindi naman kayo pababayaan ng Diyos. Palagi siyang may ihahatid na tao para matulungan ka at ang iyong pamilya sa inyong kalagayan ngayon.

Masuwerteng numero; 60,70,93,95

ASO (DOG)

May oportunidad na kakatok ngayon sa iyong pintuan. Maliit lamang ang oportunidad na ito subalit hindi mo ito mapapalampas dahil malaki ang pangangailangan mo ngayon sa pera kaya anumang mapagkakakitaan ay kakagatin mo na.

Masuwerteng numero; 15,16,22,31

BABOY (PIG)

Susuwertehin ka ngayon sa iyong online business dahil may makikilala kang tao na siyang magiging tulay mo para sa isang malaking transaksyon. Siguraduhin lamang na ang lahat ng nasa paligid mo ay may tiwala sa’yo.

Masuwerteng  numero; 51,54,63,72

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here