Chinese Horoscope Agosto 6, 2022

DAGA (RAT)

Maganda ang araw na ito para sa’yo. Kahit same routine ang gawain mo sa maghapon ay makakaramdam ka ng gaan ng pakiramdam. Wala kang problemang kakaharapin at lilipas maging ang magdamag ng payapa.

Masuwerteng numero; 12,32,35,40

BAKA (OX)

Isang bagong kakilala ang makakakuwentuhan mo ngayon ng matagal.Matatanggal ang pagkabored mo at mapapawi ang pagkainip. Dahil sa haba ng inyong kuwentuhan ay hindi mo na mamamalayan ang paglipas ng oras.

Masuwerteng numero; 4,13,20,36

TIGRE (TIGER)

Magkakaroon ka ng lakas ng loob na sabihin ang iyong nararamdaman sa isang tao na matagal mo nang gusto. Siya na mismo ang lalapit sa’yo kaya’t makakasilip ka ng magandang pagkakataon para magsabi sa kanya.

Masuwerteng numero; 5,16,48,64

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo pa masusungkit ang inaasam mo sa trabaho. Hindi pa ito ang tamang panahon. Hilaw ka pa sa karanasan at kaalaman kung kaya’t kailangan mo munang magpahinog. Makakatulong ang mabuting pakikisama.

Masuwerteng numero; 39,44,50,61

DRAGON (DRAGON)

Malapit nang dumating ang araw na pinakahihintay mo para makuha ang isang oportunidad na makapagtrabaho sa malayo. Kaya ngayon pa lang ay dapat mo nang ayusin ang mga bagay na kailangan mong ayusin upang walang maging sagabal.

Masuwerteng numero; 22,25,37,39

AHAS (SNAKE)

Hindi ka mabibigo sa kanya. Kailangan mo lang ipakita ang totoong ikaw.Hindi mo kailangan na magpanggap sa kanyang harapan dahil mas magugustuhan niya ang tunay mong pagkatao kaysa sa ipine-pretend mo.

Masuwerteng numero; 17,20,41,52

KABAYO (HORSE)

Magiging malakas ang dating sa’yo ng isang bagong kaibigan.Sa araw na ito ay mapapansin mo ang magagandang katangian niya na hindi mo naman nakita dati. Mula sa araw na ito ay magiging interesado ka na sa kanya.

Masuwerteng numero; 27,33,43,56

TUPA (SHEEP)

Maraming negatibong elemento ngayon ang nakakalat sa paligid. Mas makakabuti kung mananahimik na lang muna sa bahay kaysa gumala sa mga lugar na malalayo lalo nakung ikaw ay first timer dito. Doblehin lagi ang pag-iingat.

Masuwerteng numero; 5,8,9,23

UNGGOY (MONKEY)

Isang dating kasamahan sa trabaho ang matatagpuan sa internet. Magkakaroon ka ng pag-aalinlangan na siya ay kausapin subalit magugulat ka dahil siya mismo ang magre-reach out sa’yo at ikasisiya mo ang muli ninyong pag-uusap.

Masuwerteng numero; 32,43,78,80

TANDANG (ROOSTER)

Hindi mo kapalaran ang tao na pinagbubuhusan mo ng luha ngayon. Pero sige lang, kailangan mong mailabas ang lahat ng sama ng loob mo at pagkatapos ay bumangon ka na at simulan ang mag move on dahil may magandang kapalaran na naghihintay sa’yo.

Masuwerteng numero; 11,23,24,30

ASO (DOG)

Matamis ang mga salitang bibitawan ng iyong mahal. Paniwalaan mo ang kanyang mga sinasabi at hindi ang mga bubuyog sa paligid nyo. Kung papansinin mo ang mga bulong ng iba ay ikasisira ito ng inyong relasyon.

Masuwerteng numero;17,33,35,57

BABOY (PIG)

Huwag kang mag-atubili na lumapit sa isang kamag-anak para humingi ng tulong. Hindi ka niya tatanggihan dahil minsan mo rin siyang natulungan. Lalo pa at hindi naman kalabisan sa kanya ang hihingin mong pabor.

Masuwerteng numero; 18,21,22,25

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here