Chinese Horoscope, Agosto 4, 2021

816

DAGA (RAT)

Yung inaakala mong sitwasyon na hindi mo kakayanin ay mamaniin mo lang sa araw na ito. Hindi lang dahil sa may mga tutulong sa’yo kundi dahil kaya mo naman talaga at mapapatunayan mo ‘yan sa iyong sarili.

Masuwerteng numero; 11,13,27,30

BAKA (OX)

Kahit ayaw mo ay mapipilitan kang bitawan ang mga bagay na hindi na kailangan sa inyong tahanan. Kailangan mo itong gawin para mabawasan din ang stress mo dahil ang magulo at makalat na bahay ay nakakadagdag ng stress.

Masuwerteng numero; 14,23,40,45

TIGRE (TIGER)

Mas makakabuti kung ihahanda mo na ang sarili mo sa mga posibilidad na maaari mong kaharapin tungkol sa problema ng inyong pamilya. Pag-isipan mo na rin ang ilang detalye na dapat mong solusyunan.

Masuwerteng numero; 26,33,41,65

KUNEHO (RABBIT)

Lapitin ka ngayon ng disgrasya kaya doblehin ang pag-iingat lalo na sa labas ng bahay. Mas makakabuti kung laging may kasama sa tuwing lalabas. Ingatan din ang kalusugan, huwag magpapabaya kahit gaano ka pa ka-busy.

Masuwerteng numero; 3,20,40,56

DRAGON (DRAGON)

Hindi mo maikakaila ang pagkagusto mo sa isang tao. Kahit anong pagpipigil ang gawin mo ay mananatili ang espesyal mong damdamin para sa kanya. Gayunpaman, hindi pa ito ang tamang oras para sabihin ito sa kanya.

Masuwerteng numero; 25,34,74,77

AHAS (SNAKE)

Magiging madali na lang ang dati ay mahihirap mong ginagawa sa trabaho. Mas  sanay ka na ngayon at mas gamay mo na ang bawat detalye. Lalo pa at hindi ka pinapabayaan ng mga taong nakapaligid sa’yo ngayon sa pwesto mo.

Masuwerteng numero; 14,44,58,69

KABAYO (HORSE)

Magkakaroon ka ng option para sa solusyon ng problemang inaalala mo. Kailangan mo lang piliing mabuti at masiguro na ang option na pipiliin mo ay yung makakabuti hindi lang para sa’yo kundi para sa bawat miyembro ng pamilya mo.

Masuwerteng numero; 5,10,12,35

TUPA (SHEEP)

Ito ang araw na kakailanganin mong pagdesisyunan ang isang bagay na dapat ay matagal mo nang napagpasyahan. Nakasalalay dito ang iyong trabaho kaya’t wala ka nang magagawa kundi bitawan ang iyong desisyon.

Masuwerteng numero; 6,23,26,48

UNGGOY (MONKEY)

Tama ang iyong stand tungkol sa problema ng iyong mga kaibigan. Huwag kang magpasakop sa mga kagustuhan nila kung alam mo naman na ito ay lalo lamang makakagulo sa sitwasyon nila ngayon. Panindigan mo ang sa tingin mo ay tama.

Masuwerteng numero; 27,34,35,38

TANDANG (ROOSTER)

May mabibitawan kang salita na makakasakit sa iyong mahal. Masasagi mo ang kanyang ego nang hindi sinasadya. Gayunpaman, kahit na ikaw ay magsorry, ipaunawa mo pa rin sa kanya ang tunay na kahulugan ng iyong sinabi.

Masuwerteng numero; 13,14,26,38

ASO (DOG)

Bawasan mo ang pagtambay sa bahay ng ibang tao. Magdudulot lamang ito ng hindi nyo pagkakaunawaan ng iyong karelasyon. Iwasan mo rin ang magsabi ng mga sikreto sa iba para wala kang pagsisihan sa huli.

Masuwerteng numero; 4,24,39,41

BABOY (PIG)

May magandang idudulot ang iyong pagtitipid. Isa sa mga gusto mo ang mabibili mo sa araw na ito. Huwag lamang sagarin ang sarili sa labis na pagba-budget dahil ang iyong kalusugan naman ang masasakripisyo.

Masuwerteng numero; 16,45,67,69

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here