Chinese Horoscope; Agosto 26

888

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Hindi mababalewala ang mga pinaghihirapan mo ngayon. Malapit mo nang anihin ang iyong mga itinanim. Huwag ka lamang masyadong magmadali dahil baka maantala pa ito at iwasan din ang negatibong tao.

Masuwerteng numero; 18,20,33,40

BAKA (OX)

Hindi mo kailangang mag-alala nang husto. Ang hindi sinasadyang pagkakasabi mo ng iyong sikreto sa isang tao ay hindi magdudulot sa’yo ng problema. Mapagkakatiwalaan ang tao na napili mong pagsabihan.

Masuwerteng numero; 7,11,29,30

TIGRE (TIGER)

Kahit ayaw mo ay kakailanganin mong iwasan ang isang tao para lamang mapanatag ang kalooban ng iyong karelasyon. Kung hindi mo ito gagawin ay malaki ang posibilidad na mauwi sa hiwalayan ang inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 22,34,40,56

KUNEHO (RABBIT)

Bantayan mo ang mga salitang lalabas sa iyong bibig. Makakasakit ka ng damdamin nang hindi sinasadya dahil sa iyong pakikialam. Bagamat wala kang masamang intensyon ay hindi ito ang magiging dating sa kanila.

Masuwerteng numero; 6,17,21,22

DRAGON (DRAGON)

Ang lakas ng loob mo sa pagbabakasakali ang siyang magiging daan para sa isang hindi inaasahang oportunidad. Hindi mo man ito inasahan ay sadyang nakalaan ito para sa’yo kaya’t mapapasa’yo ito sa anumang paraan.

Masuwerteng numero; 11,13,14,23

AHAS (SNAKE)

Hindi matutuloy ang binabalak mong pagre-resign dahil sa isang biglaang pagbabago na magaganap sa trabaho. Ito ang magpapabago ng isip mo para iwan ang iyong trabaho. Kahit papa’no ay makukuntento ka na rito.

Masuwerteng numero; 56,67,68,70

KABAYO (HORSE)

Madidisappoint ka sa malalaman mo ngayong araw na ito. Hindi mo inaasahan na isang taong malapit sa’yo at kamag-anak mo pa ang naiinggit sa kung ano ang meron ka ngayon. Hindi mo maiiwasan na malungkot sa katotohanang ito.

Masuwerteng numero; 16,28,33,40

TUPA (SHEEP)

Magiging masaya ang araw mo dahil sa pagdating ng isang bisita. Malilibang ka sa mga baon niyang kuwento para sa’yo. Bukod dito ay may mga usapin din sa nakaraan ang mauungkat na ngayon mo lang malalaman.

Masuwerteng numero; 17,22,36,37

UNGGOY (MONKEY)

May kakapusan sa budget kang mararanasan ngayong araw. Dahil dito ay maiisip mo kung gaano kahalaga ang pag-iipon. Hindi mo man ito nagawa dati ay sisikapin mo na maumpisahan ito as soon as possible.

Masuwerteng numero; 5,8,19,20

TANDANG (ROOSTER)

Wala kang masamang tinapay sa kapwa mo, pero kung minsan ay nasasagad ka rin at nakakaramdam ng inis kapag sobra na ang ginagawa laban sa’yo. Darating ka na sapunto na kakailanganin mong ipagtanggol ang iyong sarili.

Masuwerteng numero; 1,2,33,42

ASO (DOG)

Business as usual ang araw mo ngayon. Hindi magiging sobrang aliwalas dahil may mga nakaharang na negatibo sa pintuan ng iyong negosyo. Subukan mong magdagdag ng pampasuwerte at alisin ang bad vibes.

Masuwerteng numero; 10,35,46,57

BABOY (PIG)

Isang kaibigan ang lalapit sa’yo para humingi ng payo. Payo ang kailangan niya at hindi panghuhusga kaya’t sikapin mo na maibigay ito sa kanya. Iwasan mo lang na magbanggit ng mga pangalan na maaaring madamay sa kanyang hinanakit.

Masuwerteng numero; 9,11,28,45

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here