Chinese Horoscope; Agosto 25

0
1254

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Maghinay hinay ka at mag-ingat sa mga pagkain na iyong pinipili. Karamihan dito ay walang buting maidudulot sa iyong kalusugan. Kailangan mo itong bantayan dahil malapit ka ngayon sa mga sakit na hindi mo gugustuhin.

Masuwerteng numero; 11,23,25,30

BAKA (OX)

Malaking pabor ang hihilingin sa’yo ng isang kamag-anak. Hindi mo alam kung kakayanin mo itong ibigay kaya’t kakailanganin mo muna itong pag-isipan ng mabuti. Hindi ka pwedeng magkamali sa pagpapasya dahil nakasalalay dito ang reputasyon mo.

Masuwerteng numero; 17,20,43,53

TIGRE (TIGER)

Magiging bantay sarado ngayon ang mga kilos mo. Alam mo na kung sino ang taong ito pero hindi mo na gugustuhin pa na madagdagan ang gulo kaya’t hahayaan mo na lang siyang bantayan ka as long as wala ka namang ginagawang masama ay wala kang dapat ikatakot.

Masuwerteng numero; 25,46,57,60

KUNEHO (RABBIT)

Isang kaibigan ang nakatakdang mawala sa buhay mo ngayon. Wala kang magagawa sa kanyang kapalaran. Tulad nating lahat, ang buhay niya ay hiram lang at anumang oras ito bawiin ay walang sinuman ang makakapigil.

Masuwerteng numero; 16,27,28,30

DRAGON (DRAGON)

Muling iiral ang ugaling dragon mo dahil sa hindi magandang attitude na ipapakita sa’yo ng isang kapitbahay. Hindi ikaw ang tipo ng kapitbahay na mananahimik na lang sa isang tabi kapag ikaw ay naagrabyado.

Masuwerteng numero; 5,8,19,51

AHAS (SNAKE)

Malaki ang pagbabagong mapapansin mo sa iyong karelasyon. Ang mga gawi niya na nakasanayan mo na ay hindi mo makikita. May bago sa kanyang mga kilos na magiging interesado kang alamin ang dahilan.

Masuwerteng numero; 14,21,22,48

KABAYO (HORSE)

Lapitin ka ng malas ngayon pero magagawa mo itong kontrahin kung pananatilihin mo ang pagiging positibo sa gitna ng hindi magandang sitwasyon at kahit pa napapaligiran ka ngayon ng mga negatibong tao.

Masuwerteng numero; 18,23,44,62

TUPA (SHEEP)

Mahihirapan ka ngayon sa bago mong posisyon sa trabaho kaya mababawasan ang excitement mo sa pagkaka-promote mo rito. Hindi mangyayari ang inaasahan mo na mas madaling trabaho dahil mas mabigat at kumplikado ito ngayon.

Masuwerteng numero; 15,16,58,70

UNGGOY (MONKEY)

Maaliwalas ang araw na ito para sa’yo. Sa kabila ng kaba mo sa muli ninyong pagtatagpo ay magiging maayos lang ang lahat at lilipas ang maghapon na hindi ka masusuong sa kumplikadong sitwasyon na inaasahan mo.

Masuwerteng numero; 21,24,29,30

TANDANG (ROOSTER)

Balanse lang ang magiging takbo ng iyong negosyo sa araw na ito. Hindi masuwerte at hindi rin naman malas. Sakto lang kumbaga. Pangkaraniwang araw lang ito para sa’yo na dapat mong ipagpasalamat sa Diyos.

Masuwerteng numero; 26,40,41,55

ASO (DOG)

Isang magandang balita ang matatanggap mo na may kinalaman sa isang kamag-anak na nasa malayong lugar ngayon. Dahil dito ay mababawasan na ang pag-aalala mo at maaari ka ng makatulog nang mahimbing.

Masuwerteng numero; 10,11,13,20

BABOY (PIG)

Isang hidwaan ang mawawakasan ngayong araw. Ito ay sa pagitan mo at ng tao na ilang taon mo na ring hindi nakakakibuan. Dahil dito ay para kang mabubunutan ng tinik. Hindi na magiging mahalaga kung sino ang may sala at sino ang unang magpapakumbaba.

Masuwerteng numero; 23,37,38,60

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here