Chinese Horoscope; Agosto 24

0
560

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Magiging mahalaga ang bawat minutong daraan sa’yo. May pagkakaabalahan kang gawin na hindi mo gugustuhing magpaistorbo. Nakapokus ang buong atensyon mo rito dahil mahalaga ito at may kinalaman sa trabaho mo.

Masuwerteng numero; 4,5,17,20

BAKA (OX)

Aalatin ang negosyo mo ngayong araw na ito dahil sa hindi maganda mong mood. Hindi kasi magiging maganda ang gising mo dahil sa stress ng nagdaang gabi kaya naman ang buong maghapon mo ngayon ay maaapektuhan.

Masuwerteng numero; 16,26,34,58

TIGRE (TIGER)

Magdadalawang isip ka na lumapit sa isang kamag-anak para humingi ng tulong. Kahit na alam mong may kakayahan siyang matulungan ka ay maiisip mo na noong panahon na siya ang nangangailangan ay hindi mo siya napagbigyan.

Masuwerteng numero; 1,11,25,30

KUNEHO (RABBIT)

Wala kang dapat ipag-alala sa problemang kinakaharap mo ngayon. Para lang itong hangin na daraan sa’yo. Nasa paligid mo lang din ang solusyon at kusa itong lalapit sa’yo. Magkakaroon ka na ng kapanatagan.

Masuwerteng numero; 6,12,13,24

DRAGON (DRAGON)

Ang inaasahan mong biyaya ngayong araw na ito ay hindi pa darating. Kahit na anong gawin mo ay hindi ito ukol sa’yo ngayon kaya’t mas makakabuti kung ibabaling mo na lang muna ang atensyon mo sa iba para malibang.

Masuwerteng numero; 8,19,40,51

AHAS (SNAKE)

May selosang magaganap sa pagitan nyo ng iyong karelasyon. Kung ayaw mo na pairalin niya ang pagseselos ay iwasan mo na ang tao na pinagseselosan niya. Makakaya mo kung gugustuhin mo para hindi nyo ito pag-awayan.

Masuwerteng numero; 15,23,66,67

KABAYO (HORSE)

Malaki ang chance mo ngayong araw na ito na makuha ang isang bagay na matagal mo ng gusto. Bagamat hindi magiging madali ang paraan na makuha mo ito ay kakampi mo naman ngayon ang iyong tadhana.

Masuwerteng numero; 34,37,55,78

TUPA (SHEEP)

Kakapusin ka sa budget. Kahit ano pang paghihigpit ng sinturon at kahit ano pang paraan ng pagtitipid ang gawin mo ay hindi mo talaga mapagkakasya ang perang hawak mo kaya’t mapipilitan kang humingi ng tulong.

Masuwerteng numero; 17,39,40,42

UNGGOY (MONKEY)

Walang mawawala sa’yo kung ikaw ang siyang magpapakumbaba. Matagal mo na itong pinag-iisipan. Panahon na para gawin mo ito. Kung maghihintay ka pa ng perpektong timing ay baka mawalan ka na ng pagkakataon.

Masuwerteng numero; 10,13,24,31

TANDANG (ROOSTER)

Tao ka lang at kahit na gaano pa kahaba ang pisi ng pasensya mo ay nauubos at nalalagot din ito. Ngayon makikita ng mga tao sa paligid mo kung paano ka magalit at kung paano mo haharapin ang iyong mga kaaway.

Masuwerteng numero; 2,33,58,59

ASO (DOG)

Isang kaibigan ang mangingilag sa’yo. Hindi mo malalaman ang dahilan kung hindi mo siya tatanungin. Kakailanganin mo ang lakas ng loob para gawin ito kung ayaw mo na mauwi sa basurahan ang pagkakaibigan nyo.

Masuwerteng numero; 8,9,20,30

BABOY (PIG)

Malulungkot ka sa mababalitaan mo tungkol sa isang malapit na kaibigan. Ang pinagdaraanan niya ngayon ay hindi mo gugustuhin na pagdaanan mo rin kaya’t gagawin mo ang lahat para maipaabot sa kanya ang iyong tulong.

Masuwerteng numero; 5,17,20,21

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here