Chinese Horoscope; Agosto 23

0
836

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Mapupuno ng galit ang iyong dibdib dahil sa mga hindi magandang pangyayari sa iyong paligid na kinasasangkutan ng mga kamag-anak. Pero wala kang magagawa kundi ang magngitngit dahil hindi sila marunong makinig.

Masuwerteng numero; 1,44,47,51

BAKA (OX)

Hindi mo ugali ang magpalapad ng papel sa mga tao lalo na sa mga nakatataas sa’yo. Pero ito ang eksaktong maririnig mo sa iba. Alam mo na ang dapat mong gawin. Matalino kang tao kaya hindi mo kailangan ang makipagtalo.

Masuwerteng numero; 16,20,31,48

TIGRE (TIGER)

Isang lihim na nagmamahal sa’yo ang makakasama mo ngayon at mararamdaman mo ang pagiging espesyal mo sa kanya. Malilito ka dahil may mararamdaman ka rin na kakaiba na hindi mo dapat maramdaman.

Masuwerteng numero; 10,18,29,30

KUNEHO (RABBIT)

Hindi ito magandang araw para ituloy ang iyong mga plano. Negatibo ang paligid para sa’yo kaya hindi ka maaayunan ng tadhana. Kakailanganin mo munang magpalipas ng araw at hintaying ang positibong paligid.

Masuwerteng numero; 7,28,42,56

DRAGON (DRAGON)

Makukumpleto ang araw mo dahil sa isang tao na magpapasaya sa’yo. Hindi mo inaasahan na magagawa ka niyang patawanin sa kabila ng iyong kalungkutan. Dadaan ang araw na mananatili kang nakangiti.

Masuwerteng numero; 11,14,39,60

AHAS (SNAKE)

Maipagkakaila mo sa iba pero hindi mo maikakaila sa iyong sarili ang espesyal mong pagtingin para sa isang tao. Pero hindi pa ngayon ang tamang panahon para pakawalan mo at ipahayag ang iyong nararamdaman.

Masuwerteng numero; 16,23,55,89

KABAYO (HORSE)

Malaya kang masasabi ang nais mong sabihin sa isang kamag-anak. Bukas ang kanyang isip sa mga komento at payo. Pero mag-ingat ka sa mga sawsawera dahil bibigyan nila ng ibang kahulugan ang pagmamalasakit mo.

Masuwerteng numero; 15,35,40,41

TUPA (SHEEP)

Magandang araw ito para magsimula ng isang bagong business na natitipuhan mo. Maaaring marami ang kumontra dahil sa mabilis mong pagtitiwala at pagpapasya tungkol sa negosyo pero ikaw pa rin ang masusunod sa huli.

Masuwerteng numero; 10,22,35,39

MONKEY (UNGGOY)

Mahihirapan kang kontrolin ang galit na nag-uumapaw sa dibdib mo. Hindi maganda ang magiging dulot nito. Sisirain nito ang mood mo sa buong maghapon. Pero wala kang magagawa kundi ilabas ito dahil mas mahihirapan ka kung kikimkimin mo.

Masuwerteng numero; 25,36,47,51

TANDANG (ROOSTER)

Ito na ang tamang oras para baguhin mo ang iyong daily routine. Meron kang gustong ma-achieve kaya dapat lang na paghirapan at pagsikapan mo ito kung ayaw mo na mabigo nang paulit ulit. Disiplina sa sarili ang kailangan.

Masuwerteng numero; 7,16,22,38

ASO (DOG)

May magagawa kang pagkakamali na hindi sinasadya. Gayunpaman, kahit hindi mo ito sinasadya ay kailangan mo pa rin humingi ng tawad sa naapektuhan nito. Ang pagpapakumbaba ang siyang susi para sa isang magandang solusyon.

Masuwerteng numero; 12,20,23,27

BABOY (PIG)

Makakaramdam ka ngayon ng boredom dahil sa kawalan ng magawa. Kaya naman lahat ng gawaing bahay ay magagawa mo at kahit oras na dapat ng pahinga ay hindi ka pa rin magiging komportable dahil parang may gusto ka pang gawin na hindi mo naman maisip kung ano.

Masuwerteng numero; 11,13,18,69

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here