Chinese Horoscope; Agosto 22

0
1299

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Magkakaroon ka ng pagkakataon na makasama ang isang dating kaibigan na matagal mo nang hindi nakikita. Masusulit ang bonding nyo at marami kayong mapagkukuwentuhan na karamihan ay may kinalaman sa nakaraan.

Masuwerteng numero; 5,13,20,26

BAKA (OX)

Ang problemang inaakala mong nasolusyunan na ay muling uusbong ngayon at lilikha ng panibagong problema. Kakailanganin mo nang humingi ng tulong sa pagkakataon na ito kung ayaw mo na mas lumala pa ito.

Masuwerteng numero; 8,19,32,50

TIGRE (TIGRE)

Ang lakas ng loob mo sa pagbabakasakali ang siyang magbibigay sa’yo ng oportunidad na matagal mo nang hinihintay. Hindi ka mabibigo sa pagkakataon na ito lalo na kung sasamahan mo ng dasal at patuloy na pagtanaw sa pag-asa.

Masuwerteng numero; 33,39,41,46

KUNEHO (RABBIT)

Hangga’t maaari ay kokontrolin mo ang iyong sarili. Pero sa ayaw at sa gusto mo ay darating ka sa punto na mapupuno ka na at pakiramdam mo ay sagad sagaran na ang ginagawa sa’yo kaya’t matututo ka nang lumaban.

Masuwerteng numero; 23,48,65,69

DRAGON (DRAGON)

May pagbabagong magaganap sa inyong pagkakaibigan dahil sa isang lihim na matutuklasan. Magiging masakit ito para sa’yo at para sa kanya dahil hindi mo gugustuhin na magwakas ang inyong pagkakaibigan dahil sa isang pagkakamali.

Masuwerteng numero; 6,14,28,39

AHAS (SNAKE)

Mapipilitan kang pagbigyan ang kahilingan ng isang kamag-anak kahit pa magiging mahirap ito para sa’yo.  Gagawin mo ito para lamang huwag mabahiran ng hindi maganda ang reputasyon mo sa pakikisama sa kanila.

Masuwerteng numero; 19,34,51,70

KABAYO (HORSE)

Mag-aalala ka para sa wala. Ang tao na inaakala mong magiging balakid sa iyong mga plano ay mananatiling tahimik lamang sa isang sulok at walang pakialam sa mga nais mong gawin. Hindi siya magiging sagabal sa’yo.

Masuwerteng numero; 1,12,44,57

TUPA (SHEEP)

Kakailanganin mo pang dagdagan ang effort mo sa trabaho kung talagang gusto mong maabot ang isa sa iyong mga pangarap. Ang inaakala mong sapat na ay kulang na kulang pa para maging susi sa hinahangad mong tagumpay.

Masuwerteng numero; 8,9,21,30

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mangyayari ang inaasahan mong tagumpay sa lalong madaling panahon. Subalit ito ay may kasiguruhan na mangyayari sa hinaharap. Sa ngayon ay kailangan mo munang harapin ang mga pagsubok kaugnay nito.

Masuwerteng numero; 17,20,45,56

TANDANG (ROOSTER)

May bago kang makikilala na siyang bago mong magiging timbulan. Pero hindi siya ang tao na inaasahan mong makapag-aahon sa iyo sa kahirapan. Magiging sandalan mo lamang siya at magiging tagapayo sa mga oras na naguguluhan ka.

Masuwerteng numero; 29,43,67,78

ASO (DOG)

Ang buong araw mo ay magugugol sa pag-iisip ng tamang desisyon para sa problemang kinakaharap ng pamilya. Ikaw ang inaasahan nila at umaasa sila na hindi ka magkakamali sa iyong magiging pagpapasya kaya dapat ka talagang mag-isip ng mabuti.

Masuwerteng numero; 51,64,73,82

BABOY (PIG)

Sarado ang isip ng kapartner mo sa buhay pagdating sa kanyang pagseselos. Kahit anong paliwanag mo ay hindi niya lubos na mauunawaan kaya naman mas makakabuti kung hindi ka na lamang gagawa ng mga bagay na alam mong ikapagseselos niya.

Masuwerteng numero; 10,11,25,27

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here