Chinese Horoscope; Agosto 21

0
1102

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Ang pagiging maawain mo ang siyang magpapahamak sa’yo. Lagi mong tatandaan na hindi lahat ng nakangiti sa’yo ay may mabuting intensyon at hindi rin lahat ng lumuluha ay tunay na nasa sitwasyong kaawa-awa.

Masuwerteng numero; 11,15,23,33

BAKA (OX)

Hindi mo na kakailanganin pang humingi ng tulong kung kani-kanino sa problemang kinakaharap dahil padadalhan ka ng langit ng isang tao na makaka-solve sa problema mo at ipagpapasalamat mo ito ng labis.

Masuwerteng numero; 4,12,57,58

TIGRE (TIGER)

Isang babala ang matatanggap mo mula sa isang kamag-anak pero hindi mo ito papansinin kaya naman malalagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo gugustuhin. Magiging kumplikado ito para sa’yo at magsisisi ka na hindi ka nakinig.

Masuwerteng numero; 17,38,51,60

KUNEHO (RABBIT)

Kung meron mang tao na handang dumamay sa’yo anuman ang pagdaanan mo, nasa mali ka man o tama, ito ay ang iyong mga magulang at mararamdaman mo ang tunay nilang pagmamahal sa’yo sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 6,16,23,35

DRAGON (DRAGON)

Babalikan mo ang mga araw kung kailan ka naging masaya. Kung kailan nakasama mo ang isang tao na nagkaroon ng mahalagang parte sa buhay mo. Ito ay dahil may bagay kang makikita na magpapaalala ng lahat.

Masuwerteng numero; 40,42,55,59

AHAS (SNAKE)

Mabibigyan mo ng hindi magandang kahulugan ang makikita mo at agad mong ipapataw ang iyong paghusga. Kaya naman magiging dahilan ito para maipit ka sa isang sitwasyon na mahirap labasan at takasan.

Masuwerteng numero; 8,14,26,28

KABAYO (HORSE)

Palagi mong pinag-iisipan ang isang aksyon bago mo gawin, subalit sa pagkakataong ito ay mabibigla ka ng pagpapasya. May kinalaman dito ang mga taong nagsusulsol sa’yo at nagpaparating ng hindi tama. Hindi mo dapat sila pinakikinggan.

Masuwerteng numero; 13,34,36,46

TUPA (SHEEP)

Makakaramdam ka ng pagkatuliro at pagkabagabag sa bagong problemang darating na kinasasangkutan ng mahal mo sa buhay. Alam mong kakailanganin niya ang tulong mo subalit alam mo rin na wala kang kakayahan ngayon para tumulong.

Masuwerteng numero; 19,20,30,54

UNGGOY (MONKEY)

Kahit na hindi ka niya pinapansin sa ngayon ay hindi nangangahulugan na wala siyang pagtingin sa’yo. Natatakot lamang siyang pumasok sa kumplikadong sitwasyon kung ikaw ang pipiliin niyang mahalin kaya’t pinag-iisipan pa niya itong mabuti.

Masuwerteng numero; 17,25,29,30

TANDANG (ROOSTER)

Ito ang araw na kakailanganin mong itago na muna at isantabi ang iyong kahinaan. Hindi nila dapat makita na ikaw ay pinanghihinaan ng loob dahil sa’yo sila kumukuha ng lakas kaya’t dapat kang magpakatatag sa bawat oras.

Masuwerteng numero; 23,47,56,70

ASO (DOG)

Ikaw ang tipo ng tao na mahirap pasukuin sa laban kaya naman sa araw na ito ay makakamit mo ang kapanatagan na matagal mo nang inaasam. Nasa iyo pa rin ang huling halakhak at ikaw pa rin ang magwawagi sa laban.

Masuwerteng numero; 11,58,69,71

BABOY (PIG)

Magiging maayos at magaan na rin ang pakiramdam mo sa iyong kalusugan. Dapat mo nang i-push mula sa araw na ito ang iyong sarili na piliin ang mga healthy foods upang hindi magsisi sa bandang huli. Laging tandaan na prevention is better than cure.

Masuwerteng numero; 10,15,21,40

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here