Chinese Horoscope Agosto 20

467

Latest posts by Madame Yna (see all)

Tunghayan ang Chinese Horoscope Agosto 20.

Daga (Rat)

Marami mang nangyayari sa buhay mo ngayon, wala ka pa ring dapat alalahanin dahil ang lahat ng nangyayari ay pumapabor sa’yo.

Baka(Ox)

Mangyayari na ang hinihintay mong pagbabago. Nakakatuwa na lahat ng gusto mo ay matutupad kaya huminga ka nang malalim. Hindi mo na kailangang mag-alala pa.

Tigre (Tiger)

Okay lang na maging pala kaibigan ka, huwag ka lang lalampas doon dahil ikaw lang din naman ang magdurusa sa huli. Alam na alam naman kasi ng puso mo kung sino ang iyong mahal pero nag-e-entertain ka pa rin ng iba. Kaya, malalagot ka sa’yong partner.

Kuneho (Rabbit)

Huwag ka na maging mapaghanap pa. Baka kasi ang taong gusto mo makasama sa habambuhay ay nandyan na sa’yong harapan.

Dragon

Magkaroon ka lang ng mabuting puso at hindi mo mamamalayan na nagkakaroon ka na rin ng sangkaterbang salapi at pag-aaari. Sabi nga, ang mabubuting tao ay pinagpapala. ‘Yon ang mangyayari kung hindi ka magtatanim ng galit sa’yong kapwa.

Ahas (Snake)

Kung lagi kang magkakaroon ng takot, hindi ka talaga magtatagumpay. Kaya, maging confident ka lagi sa lahat ng bagay na ginagawa mo.  

Kabayo (Horse)

Ang pag-ibig na hinihintay mo, naririyan na. Kaya, maging happy ka na palagi. Masuwerte ka ngayong araw kaya isuot mo ang pinakamaganda mong damit. ‘Yan kasi ang magbibigay ng suwerte sa’yo.

Tupa(Sheep)

Yakapin mo kung anong buhay ang mayroon ka ngayon. Tandaan mo, ‘yan ang pinili mo kaya dapat ay mapanindigan mo.

Unggoy (Monkey)

Kung kinakailangan mong mag-overtime para matapos mo ang iyong trabaho, gawin mo. Ang trabahong ‘yan kasi ang magiging dahilan para mapansin ng boss mo ang iyong kakayahan. Kung ganoon, huwag mo na ‘yang palalampasin dahil ikaw din naman ang mahihirapan.

Tandang(Rooster)

Huwag masyadong magkaroon ng buhay na marangya kung hindi mo kakayanin. Ikaw lang din naman kasi ang mahihirapan.

Aso (Dog)

Iwasan mo ang maging mayabang. Mali na ipagmayabang mo na umaasenso ka na. Baka bawiin sa’yo ang suwerte na ibinigay sa’yo. Ang dapat mong gawin, magpasaya ng ibang tao. Magagawa mo iyon kung tutulong ka sa kanila.

Baboy(Pig)

Kahit anong pagsisisi ang gawin mo, hindi mo na magagawa pang ibalik ang nakaraan. Kaya, move on na. Tanggapin mo na lang kung ano ang nangyayari sa buhay mo ngayon.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope Agosto 20.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here