Chinese Horoscope; Agosto 20

0
755

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

May matututunan ka ngayong araw. Ito ay ang palaging magkaroon ng option. Hindi ka pwedeng umasa na lang sa isang option sa lahat ng aspeto ng buhay mo dahil hindi mo alam kung kailan ka papalpak at hindi.

Masuwerteng numero; 11,12,34,36

BAKA (OX)

May hangganan ang iyong paghihirap sa isang sitwasyon. Subalit hindi ito matatapos hanggat hindi ka kumikilos at nagpapasya para tuldukan ito. Matagal mo ng alam na wala na siyang pag-ibig sa’yo at dapat mo na itong tanggapin.

Masuwerteng numero; 20,31,47,50

TIGRE (TIGER)

Mahahaluan ng malisya ang pagiging malapit mo sa isang kasamahan sa trabaho dahil sa mga malisyosong tao. Kahit wala kang ginagawang masama ay mabibigyan pa rin ito ng kulay. Mas mabuti na kung iiwas sa gulo.

Masuwerteng numero; 1,28,29,45

KUNEHO (RABBIT)

May suwerteng hatid ang hangin para sa’yo ngayong araw na ito. Magiging maaliwalas ang iyong paligid sa kabila ng mga negatibong tao sa tabi tabi. Dahil ito sa pagkakaroon mo ng positibong isip na siya mong nagiging panangga sa malas.

Masuwerteng numero; 16,23,45,48

DRAGON (DRAGON)

Ang bawat katas ng iyong pinaghirapan ay maaari mong ituring na ginto at dapat mong pakaingatan. Subalit sa oras na meron kang kapwa na sa tulong mo ay mangailangan, huwag kang magkakait kung ayaw mong ikaw naman ang pagkaitan ng langit.

Masuwerteng numero; 5,15,21,30

AHAS (SNAKE)

Mahihirapan kang kontrolin ang iyong sarili dahil sa naipong galit sa dibdib mo. Hindi mo gustong sumabog pero punumpuno ka na, kaya ngayong araw ay mangangailangan ka ng isang tao na magpapakalma sa’yo.

Masuwerteng numero; 8,19,56,67

KABAYO (HORSE)

Mahahanapan mo ngayon ng solusyon ang isang problema na matagal ng nagbibigay sa’yo ng sakit ng ulo. Isang malapit na kaibigan ang mag-aalok ng tulong at sa kanya mo matatagpuan ang kasagutang hinahanap mo.

Masuwerteng numero; 7,17,48,50

TUPA (SHEEP)

Same routine ka lang ngayong araw na ito. Walang pagbabago sa bahay at sa trabaho. Kailangan mo lang pagtuunan din ng atensyon ang sarili mong kalusugan upang maiwasan ang magkasakit dahil makakahadlang ito sa mga plano mo.

Masuwerteng numero; 6,12,13,24

UNGGOY (MONKEY)

Makakaramdam ka ng labis na kalungkutan para sa mga kamag-anak na nagdadalamhati, subalit hindi sapat ang iyong naitulong para maibsan ang kanilang paghihirap kaya wala ka nang magagawa kundi ipagdasal na lang na malampasan nila ang napakahirap na sitwasyon.

Masuwerteng numero; 16,30,42,51

TANDANG (ROOSTER)

Magkakaroon ng konting pagbabago sa pakikitungo mo sa isang kaibigan. Ito ay dahil makikitaan mo siya ng hindi magandang pag-uugali. Pero bilang kaibigan, sa halip na iwasan ay kailangan mo siyang tulungan na maituwid iyon.

Masuwerteng numero; 13,34,55,61

ASO (DOG)

Ngayong araw na ito ay ibibigay mo ang kapatawaran sa isang tao na nakagawa sa’yo ng kasalanan. Subalit hindi mo mapipilit ang sarili mo na kalimutan na lang ang lahat. Magpapatawad ka para na rin sa sarili mong kapanatagan.

Masuwerteng numero; 19,27,35,36

BABOY (PIG)

Malaki ang magiging pakinabang mo sa isang tao na bahagi ng iyong nakaraan. Sa kasalukuyan, ang kanyang pagbabalik ay hindi para sa dating misyon kundi para sa panibagong misyon niya sa buhay mo at ito ay may kinalaman naman sa negosyo.

Masuwerteng numero; 4,8,10,14

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here