Chinese Horoscope Agosto 19

575

Latest posts by Madame Yna (see all)

Tunghayan ang Chinese Horoscope Agosto 19.

Daga (Rat)

I-off mo muna ang TV at maglakad-lakad pa. Kailangan naman ay makakita ka ng makabuluhang bagay para gumana ang utak mo. Huwag puro teleserye dahil nabubuhay ka lang sa pantasya. Ung puro balita naman ang pinapanood mo, pamamahayan lang ang takot ang iyong puso.

Baka(Ox)

Kung sa palagay mo ay hindi sapat ang kinita mo ngayon, huwag na huwag kang panghihinaan ng loob. Ang importante, kumikita ka. Sa takdang panahon naman kasi ay lalago ‘yan. Basta magtiyaga ka at manalangin palagi. 

Tigre (Tiger)

May kaibigan kang nandiyan lagi para sa’yo. Ipapadama niya palagi sa’yo na mahalaga ka sa kanya. Pero, huwag mo siyang mamahalin dahil hindi niya kayang magmahal ng iba. Mayroon na kasi siyang minamahal.

Kuneho (Rabbit)

Magagawa mong makilala ang iyong sarili kung pipilin mong sundin ang gusto mo at hindi ka lang magpapaimpluwensiya sa ibang tao.

Dragon

Kailangan mong mag-ingat. Baka kasi mapahamak ka kapag hindi mo ito ginawa. Alalahanin mo, maraming masasamang tao ang nagkalat sa daan.

Ahas (Snake)

Irespeto mo ang gusto ng isang taong malapit sa’yo. Kapag nagawa mo ‘yan, tinitiyak ko sa’yo na susuwertehin ka.

Kabayo (Horse)

Kailangan ay magkasundo kayo ng partner mo sa pagdedesisyon. Isa lang naman kasi kayo. Kung hindi kayo magkakasundo sa mga bagay, hindi ‘yan magiging matagumpay.

Tupa(Sheep)

Kailangan ay makinig ka rin sa sinasabi ng iyong puso. Huwag puro utak dahil hindi ka naman magiging maligaya diyan.

Unggoy (Monkey)

Bumili ka ng sexy outfit para muli mong maakit ang iyong mahal. Kahit naman kasi mag-asawa o magkarelasyon na kayo, dapat ay ipakita mo pa rin sa kanya kung gano ka kaganda at kaseksi para hindi siya makapag-isip na ipagpalit ka.

Tandang(Rooster)

Magiging matagumpay ang okasyon na inihanda mo. Huwag kang masyadong mag-alala. Baka maging dahilan pa ‘yan para magkasakit ka. Relax ka lang kasi.

Aso (Dog)

Kung may nakita ka mang mali sa isang tao lalo na sa’yong partner, huwag ka namang maghamon ng away. Kailangan mo rin naman siyang intindihin.

Baboy(Pig)

Magagawa ring maglaho ang sakit na nararamdaman mo. Maghintay ka lang ng takdang oras. Masuwerte ka sa numero 7 at sa kulay dilaw.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope Agosto 19.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articleOnline Horoscope Agosto 19 2018
Next articleOnline Horoscope Agosto 20 2018

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here