Chinese Horoscope; Agosto 17

699

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Mahihirapan kang lusutan ang problemang kinakasangkutan mo ngayon. Kahit ayaw mo ay mapipilitan kang tanggapin ang alok na tulong ng isang kaibigan. Hindi masamang tumanggap ng tulong basta’t marunong ka lang tumanaw ng utang na loob.

Masuwerteng numero; 13,25,27,30

BAKA (OX)

Isang mahalagang bagay ang pagtutuunan mo ngayon ng pansin. Hindi mo gugustuhin na magpa-istorbo kahit na kanino kaya naman hindi ka muna tatanggap ng tawag o bisita sa inyong bahay. Buong maghapon kang magiging abala.

Masuwerteng numero; 4,12,22,56

TIGRE (TIGER)

Magiging maaliwalas ang buong araw mo kung mananahimik ka lang sa loob ng tahanan. Marami kang magagawa na ikalilibang mo at kapaki-pakinabang pa para sa inyo ng iyong pamilya. Hindi maganda ang vibes sa labas sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 19,23,26,42

KUNEHO (RABBIT)

Malaki ang tsansa na matanggap ka sa trabahong inaaplayan. Bagamat hindi pa ito ang trabaho kung saan ka magtatagal ay malaki ang maitutulong nito sa pamilya mo at dito ka rin magkakaroon ng maraming kaibigan.

Masuwerteng numero; 32,56,65,67

DRAGON (DRAGON)

Magiging maayos ang sitwasyon mo sa araw na ito. Hindi pa man malutas ng lubusan ang mga problemang kinaharap, kahit papaano ay magkakaroon ka na ng konting kapanatagan sa tulong ng mga kaibigan.

Masuwerteng numero; 10,13,45,49

AHAS (SNAKE)

Hindi maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nyo ng iyong karelasyon. Isang maliit na bagay lamang ang pagmumulan nito na hindi nyo magagawang palampasin. Kaya naman ang buong araw ay mababalot ng tension.

Masuwerteng numero; 18,26,31,52

KABAYO (HORSE)

May bagong tagahanga ka ngayong araw. Hindi man niya harapang aminin ay magiging kapansin pansin ito sa kanyang mga kilos. Pwede kang matuwa pero hindi mo na dapat pang patulan bilang respeto sa iyong karelasyon.

Masuwerteng numero; 14,23,40,68

TUPA (SHEEP)

Isang magandang araw ito para bumiyahe ng malayo. Magiging magaan ang bawat oras sa byahe hanggang sa iyong pag-uwi. Iwasan lamang kumausap ng mga hindi kilalang tao dahil maraming mapagsamantala kang makakasalamuha.

Masuwerteng numero; 10,11,18,20

UNGGOY (MONKEY)

Mabilis ang magiging proseso ng iyong pagmo-move on dahil may agad kang makikilala na mapagbabalingan mo ng atensyon. Hindi ibig sabihin nito ay magiging open ka na ulit sa bagong pag-ibig.

Masuwerteng numero; 15,27,28,33

TANDANG (ROOSTER)

Makakaramdam ng labis na kagipitan sa pinansyal. Kailangan mong pag-isipang mabuti kung papaano ka makakatipid sa pang-araw araw mong gastusin upang maiwasan ang pagdating ng mga araw na kailangan mong maghigpit ng sinturon.

Masuwerteng numero; 29,34,35,46

ASO (DOG)

Isang pagkakamali ang magagawa mo at hindi mo na ito magagawang itama sa ngayon. Kakailanganin mo ang payo ng mga piling kaibigan. Huwag maging matigas ang ulo at sundin lamang ang kanilang mga payo.

Masuwerteng numero; 2,14,25,35

BABOY (PIG)

Makakaramdam ka ng kakaibang takot sa pag-alala sa isang yumaong kamag-anak. Ang kanyang pagkawala ay hindi pa nagsisink-in sa isip mo kaya naman nasa puso at isip mo pa rin ang pangamba ng kanyang pagkawala.

Masuwerteng numero; 16,48,57,69

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here