Chinese Horoscope Agosto 16

0
480

Latest posts by Madame Yna (see all)

Tunghayan ang Chinese Horoscope Agosto 16.

Daga (Rat)

Okay naman ang negosyo mo ngayon pero huwag kang maging kampante. Kailangan ay alam mo kung ang gagawin mo sa susunod na araw para mas lumago ang iyong negosyo.

Baka(Ox)

Husayan mo ang pakikipag-usap sa’yong kapwa. Hindi naman kailangang lagi kang gumagamit ng ‘po’ at ‘opo’. Basta tiyakin mo lang na hindi makakasakit ang mga salitang bibitawan mo.

Tigre (Tiger)

Bawasan mo naman ang iyong pagtatrabaho. Sana naman ay pahalagahan mo ang oras na nandito ka pa sa mundong ito. Hindi ko naman gustong takutin ka. Kaya lang, hindi mo rin alam kung hanggang kailan ka sa mundong ito. Kaya, mag-enjoy ka na.

Kuneho (Rabbit)

Mayroon kang oportunidad na ipakita ang iyong kakayahan kaya huwag mo na palampasin. Huwag kang magpapigil sa mga taong nakapaligid sa’yo. Ipakita mo sa kanila na dapat ka nilang pagkatiwalaan dahil sa potensyal mo.

Dragon

Hindi mo kailangang maging tulay sa pag-ibigan ng mga kaibigan mo. Hayaan mo silang ipakita at ipadama ang kanilang pagmamahalan. Baka kasi sa huli ay ikaw lang ang masaktan at huwag mo hayaang mangyari iyon.

Ahas (Snake)

Huwag kang magsayang nang oras. Kailangan mong laging ipadama sa partner mo kung gaano mo siya minamahal.

Kabayo (Horse)

Huwag ka kasing magtiwala ng husto. Kung may gusto kang sabihin sa isang tao, lumapit ka sa kanya at mag-usap kayo. Kung hahayan mo kasi may namamagitan sa inyo palagi, hindi kayo magkakaayos. Huwag mo naman hayaang mangyari iyon. Titindi lang kasi ang galit ninyo sa isa’t isa.

Tupa(Sheep)

Ito na ang araw na makikilala mo ang taong itinadhana para sa’yo kaya mag-ayos ka para kapag nagkita kayo ay presentable ka.

Unggoy (Monkey)

Huwag mong husgahan ang isang tao dahil lang sa panlabas niyang anyo. Baka kasi mamaya ay masaktan ka lang kapag natuklasan mong siya ay iyong inahahalagahan.

Tandang(Rooster)

Ang tunay na kaibigan ay handang patawanin ka kapag nalulungkot ka at ready rin siyang magseryoso kapag nangangailangan ka ng payo.

Aso (Dog)

Hindi mo man kilala ng lubos ang isang tao pero may pagkakataon na nararamdaman mong kailangan mo siya sa buhay mo. Ang dahilan, mahahanap mo sa’yong puso Kaya, huwag kang matatakot kapag gusto mong tuklasin ang maraming bagay.

Baboy(Pig)

Magkaron kayo ng oras ng iyong partner na mag-usap. Kailangan kapag magdedesisyon kayo, lagi kayong magkakasundo.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope Agosto 16.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here