Chinese Horoscope; Agosto 16

0
454

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

May mas mahalaga pa sa buhay mo kaysa sa mga kaibigan. Lalo na kung ang mga ito ay huwad lang. Hindi mo sila kailangan sa buhay mo. Kumbaga sa mall, sila ay pangdisplay lang at hindi pambenta kaya’t huwag mo silang pag-aksayahan ng panahon.

Masuwerteng numero; 10,13,24,26

BAKA (OX)

Huwag mong kainipan ang pagdating ng tunay na pag-ibig. Darating ito sa’yo sa tamang panahon at pagkakataon na hindi mo inaasahan. Ang taong hinahangaan mo ngayon ay walang ganap sa buhay mo kaya’t huwag kang manghinayang kung hindi maging kayo.

Masuwerteng numero; 1,22,30,45

TIGRE (TIGER)

Magiging mabait sa’yo ngayon ang tadhana. Ilalapit ka niya sa taong gusto mo. Iwasan lamang ang magpakita ng motibo dahil siguradong mate-turn off sya sa’yo. Kumilos ng normal at kausapin siya ng kaswal.

Masuwerteng numero; 7,8,19,20

KUNEHO (RABBIT)

Hindi gaanong papasok ang suwerte sa negosyo. Kakailanganin mong magbawas ng mga negatibong isipin upang pumasok ang suwerte at magtuloy tuloy ito. Nakakaharang din sa pagpasok ng suwerte ang makalat na paligid.

Masuwerteng numero; 16,28,34,65

DRAGON (DRAGON)

Mali ang malalapitan mong tao para hingan ng tulong. Aakalain mo na madali siyang lapitan dahil mabulaklak ang kanyang dila. Pero hanggang salita lamang siya at wala kang maaasahan sa kanya. Mapapahiya ka.

Masuwerteng numero; 2,13,14,55

AHAS (SNAKE)

Iiwasan mo ang isang kaibigan hindi dahil sa wala siyang pera kundi iba ang pakiramdam mo sa kanya. Susundin mo ang sinasabi ng instinct mo na hindi siya magiging mabuting impluwensya sa’yo dahil may mga gawain siyang against sa iyong paniniwala.

Masuwerteng numero; 20,32,41,47

KABAYO (HORSE)

May malaking pagbabagong magaganap sa trabaho. Ang dating nakasanayan na ay mag-iiba. Maninibago ka hindi lamang sa mga bago at dagdag na gawain kundi maging sa mga tao na makakasama mo sa pwesto.

Masuwerteng numero; 5,12,16,17

TUPA (SHEEP)

Never kang nakaramdam ng pagod sa pag-intindi sa iyong pamilya. Subalit sa araw na ito ay makakaramdam ka ng pagsisisi kung bakit hinayaan mo na malihis ang kanilang direksyon ayon sa kagustuhan mo na makakabuti naman para sa kanila.

Masuwerteng numero; 13,21,38,49

UNGGOY (MONKEY)

Kahit ano pang pilit mong gawin ay mahihirapan kang ibalik ang dati mong damdamin para sa taong nagmamahal sa’yo. Wala ka na talagang maramdaman kaya’t magiging mahirap para sa’yo ang patuloy siyang makasama.

Masuwerteng numero;10,21,28,30

TANDANG (ROOSTER)

Sa wakas ay makukumbinsi mo na rin ang iyong mahal sa isang bagay na matagal mo nang hinihiling sa kanya. Ngayon ka lamang niya mapagbibigyan dahil ngayon lamang siya magkakaroon ng pagkakataon para rito.

Masuwerteng numero; 11,22,35,36

ASO (DOG)

Hindi ka magdadalawang isip na sumali sa isang proyektong may kinalaman sa inyong pamayanan. Gayunpaman, may miyembro ng inyong pamilya ang kokontra at hindi sasang-ayon na maging bahagi ka nito.

Masuwerteng numero; 14,23,40,53

BABOY (PIG)

Mananatili ang bigat sa dibdib mo sa ngayon. Hayaan mo lang dahil sa paglipas ng mga araw ay matututunan mo rin na balewalain ang iyong nararamdaman. Manalig ka sa iyong sarili at ibigay mo ang tiwala mo sa Diyos.

Masuwerteng numero; 28,31,54,67

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here