Chinese Horoscope Agosto 15

0
370

Latest posts by Madame Yna (see all)

Tunghayan ang Chinese Horoscope Agosto 15.

Daga (Rat)

Hindi porke nagustuhan mo na ang isang bagay, agad mong pipilin. Kailangan mo siyempreng mag-isip munang mabuti.

Baka(Ox)

Kinakailangan mong manahimik muna para ikaw ay makapag-isip. Huwag kang magpa-stress. Sa pamamagitan niyan, magawa mong malaman ang mga pagkakamali mo. May panahon pa para ikaw ay magbago.

Tigre (Tiger)

Hindi ka perpekto. Wala naman talagang perpekto. Kaya, huwag ka na masyadong magdamdam. Ang kailangan mong gawin, ipakita ang iyong kakayahan sa abot ng iyong makakaya.

Kuneho (Rabbit)

Kalimutan mo na ang dati mong pag-ibig. Mag-move on ka na. Kahit sobra mo pa siyang minahal, hindi naman nagtugma ang inyong mga damdamin.

Dragon

Magagawa kang tulungan ng mga kaibigan mo para malaman mo kung ano talaga ang gusto mong mangyari sa’yong buhay. Kaya, ang gawin mo, maging mabuti kang kaibigan. Kung wala naman silang masamang ipinagagawa sa’yo, pakinggan mo sila.

Ahas (Snake)

Huwag kang mabuhay sa pantasya, dapat alam mo ang totoo. Kung hindi, lahat ng tao sa paligid mo partikular na ang iyong partner ay makakaramdam ng pagkaira sa’yo. Gusto mo ba iyon? Kung ayaw mo, huwag kang maging isip bata.

Kabayo (Horse)

Ang susi para magkaroon nang maayos na relasyon ay hindi lamang pag-ibig. Kailangan mo rin siyempreng irespeto at igalang ang iyong partner. Kung hindi mo gagawin ito, maglalaho ang kulay rosas na paligid ninyo.

Tupa(Sheep)

Alamin mo kung paano ka mapapabuti. Siyempre, kailangan mong mag-impok. Hindi mo kailangang tumulong nang tumulong.

Unggoy (Monkey)

Magpakatatag ka sa lahat ng panahon at pagkakataon. Wala kang ibang aasahan kundi ang sarili mo. Kahit may pamilya ka, makabubuti pa rin kung ang loob mo ay palaging buo. Maging matapang. Maninindigan ka sa anumang pinaniniwalaan mo.

Tandang(Rooster)

Huwag kang masyadong tumitig sa isang tao. Baka hindi mo alam na maaaring away ang kahantungan niyan. Kung nais mo namang makuha ang loob ng isang tao, makabubuti kung ngumiti ka na lang. Masuwerte ka sa kulay gray.

Aso (Dog)

Lawakan mo ang iyong pang-unawa. Kung magiging makitid lagi ang isipan mo, magiging dahilan ‘yan para maging miserable ka. Hindi lang galit ang mararamdaman mo, pati na rin ang kalungkutan. Kahit kasi ang sarili mong pamilya ay pipilin kang iwanan.

Baboy(Pig)

Gusto mo bang lumawak ang iyong kaalaman? Kung gusto mong matuto sa maraming bagay, subukan mong mag-travel. Magagawa mo ring malaman sa pamamagitan ng pagta-travel na mas masuwerte ka kaysa sa iba.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope Agosto 15.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here