Chinese Horoscope; Agosto 15

899

DAGA (RAT)

Kahit pa anong kwenta at ipit mo sa iyong pera ngayon ay kakapusin at kakapusin ka pa rin dahil sa dami ng iyong bayarin. Pwera pa ang personal mong budget na kailangan din ng iyong pamilya kaya makakaramdam ka ng stress. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 5,11,13,19

BAKA (OX)

May suwerteng parating sa araw na ito na nanganganib mabaraw at maharang ng negatibo mong isipin sa usaping pera. Ito ay dahil sa problemang kinakaharap mo ngayon na may kinalaman sa iyong mga pautang.

Masuwerteng numero; 40,46,57,59

TIGRE (TIGER)

Ang matagal mo ng plano na pagpunta sa isang kaanak ay matutuloy na rin ngayon sa wakas. May mahalaga kang pakay sa kanya kaya naman matagal mo ng pinaplano ang pagbisita. Masasabi mo na ito sa kanya ngayon.

Masuwerteng numero; 4,6,9,11

KUNEHO (RABBIT)

Mapipilitan kang sabihin sa pinakamatandang miyembro ng inyong pamilya ang bagay na gumugulo sa isip mo. Alam mo na kailangan mo ng payo na magmumula sa isang tulad niya na meron ng karanasan sa bagay na ito. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 3,5,35,25

DRAGON (DRAGON)

May bago kang makakasama sa iyong puwesto sa trabaho. Dahil hindi mo pa siya kilala at hindi mo pa alam ang kakayahan niya kaya naman mangangapa ka pa sa pakikisama at pagtuturo sa kanya ng mga nalalaman mo sa trabaho.

Masuwerteng numero; 28,30,31,33

AHAS (SNAKE)

Iwasan ang labis na pagtitiwala sa isang kaibigan.hindi lahat ng nakangiti at puro papuri ang ibinibigay sa’yo ay totoong tao. Matutong makiramdam at mag-obserba upang hindi magkaroon ng pagsisisi sa bandang huli.

Masuwerteng numero; 30,40,50,64

KABAYO (HORSE)

Isang maganda sanang oportunidad ang pakakawalan ng kusa dahil alam mo sa sarili mo na hindi ito nababagay sa’yo. Wala kang masyadong alam sa ganitong gawain at hindi ka rin interesado kaya hahayaan mo na lang na mapunta ito sa iba. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 70,73,84,86

TUPA (SHEEP)

Mauudlot ang isang magandang deal dahil sa pakikialam ng ibang tao. Kaya naman hindi mo maiiwasan na ma-bad trip ngayong araw at pag-initan ang tao na panira sa diskarte mo. Maghahanap ka ulit ngayon ng bagong deal.

Masuwerteng numero; 27,31,32,45

UNGGOY (MONKEY)

Wala kang maaaksayang oras ngayon dahil seryoso ka ng baguhin ang iyong daily routine. Alam mo na hindi mo ito mababago sa isang iglap lang kaya ang plano mo ay unti-untiin ang gagawing pagbabago para sa sarili.

Masuwerteng numero; 24,25,36,37

TANDANG (ROOSTER)

Hindi mo mauunawaan ang nais ipahiwatig ng isang kaanak tungkol sa kanyang sinabi na may kaugnayan sa inyong minanang kabuhayan. Kaya susubukan mong alamin ang lahat ng detalye tungkol dito dahil baka meron ka pang hindi nalalaman.

Masuwerteng numero; 2,3,14,15

ASO (DOG)

Mahusay ang tao na makakasama nyo sa grupo. Siya ang magpapaangat at magbibigay buhay sa nananamlay ninyong samahan kaya naman marami ang magnanais na siya na ang mamuno sa inyo kaysa sa’yo.

Masuwerteng numero; 32,33,38,39

BABOY (PIG)

Masaya at buhay na buhay ang araw na ito para sa’yo dahil puro positibo ang makakasama mong tao ngayon. Bukod sa masayahin mong pamilya ay makakakilala ka pa ng bagong kaibigan na mabait at may magandang pananaw sa buhay.

Masuwerteng numero; 20,30,31,45

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here