Chinese Horoscope; Agosto 14

1421

DAGA (RAT)

Maiipit ka sa namumuong hidwaan sa pagitan ng dalawang tao na parehong malapit sa’yo. Natural lamang na magkaroon ka ng pagkalito kung sino sa kanilang dalawa ang papanigan lalo na at hindi mo alam ang puno’t dulo ng hindi nila pagkakaunawaan. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 41,43,50,57

BAKA (OX)

Kung dati ay palagi kang pinanghihinaan ng loob. Ngayong araw ay magkakaroon ka ng lakas ng loob dahil sa isang tao na tutulong sa’yo. Siya ang magiging lakas mo sa pagharap mo sa panibagong problema.

Masuwerteng numero; 8,16,21,24

TIGRE (TIGER)

Dahil sa pagtitiwala mo sa isang bagong kakilala ay mahaharap ka ngayon sa isang kompromiso na hindi mo inaasahan. Dahil dito ay maoobliga kang gawin ang isang bagay na hindi mo sana gustong gawin dahil natatakot ka.

Masuwerteng numero; 4,7,19,25

KUNEHO (RABBIT)

Malabo pang dumating ang inaasahan mong pera sa ngayon. Marami pang problemang pagdaraanan bago mo ito makuha. Kakailanganin mo rin ang tulong ng isang tao na may sapat na kaalaman tungkol dito. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng  numero; 15,20,30,34

DRAGON (DRAGON)

Magiging mabait sa’yo ngayon ang kapalaran dahil pagbibigyan ka niya sa nais mong mangyari. Ang kagustuhan mo ang masusunod ukol sa isang mahalagang bagay. Kaya wala ka ng dapat ipag-alala sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 79,80,83,85

AHAS (SNAKE)

Ang pagdaramdam mo sa isang kamag-anak ay mapapawi ngayon dahil sa malaking effort na gagawin niya. Ito ay magiging malaking pabor para sa’yo kaya maoobliga kang kalimutan na lang ang sama ng loob mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 51,52,59,60

KABAYO (HORSE)

Ang talento mo sa isang bagay ay magagamit mo na rin ngayon sa wakas. Matagal mo itong tinago at wala kang balak na paghusayin ito. Pero sa araw na ito ay makakakita ka ng isang magandang pagkakataon para ipakita ito.

Masuwerteng numero; 11,13,20,30

TUPA (SHEEP)

Mahihirapan kang tukuyin kung isa bang oportunidad o pagsubok ang matatanggap mo sa araw na ito. Hindi ka kasi sigurado sa kahihinatnan nito kung maganda ba o hindi ang ibubunga kaya mag-aalinlangan ka.

Masuwerteng numero; 12,14,20,30

UNGGOY (MONKEY)

Wala kang magagawa sa magiging pasya ng nakatataas sa trabaho. Sa ayaw mo at sa gusto ay malilipat ka ng pwesto. Ngayon pa lang ay maiisip mo na ang mga hirap na posible mong pagdaanan sa oras na magsimula ka na rito. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 3,11,12,15

TANDANG (ROOSTER)

Sa kabila ng mga hinarap na problema, kahit papa’no ay may maganda ring mangyayari sa’yo ngayon. Maiibsan nito ang lungkot na nararamdaman mo at pansamantala mong makakalimutan ang mga natitirang problema.

Masuwerteng numero; 55,60,68,69

ASO (DOG)

Maganda ang kakalabasan ng patuloy mong pagtitiyaga at pagsisikap na makuha ang isang bagay. Dahil buhos ang effort mo rito ay hindi na magtatagal at makakamtan mo na rin kung anuman ang iyong ninanais.

Masuwerteng numero; 36,38,45,49

BABOY (PIG)

Hindi ka dapat masyadong malungkot sa mangyayaring pagbabago sa iyong buhay. Malaki man o maliit ang pagbabagong ito ay siguradong may maitutulong ito sa’yo sa paghubog ng iyong pagkatao at paniniwala. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 7,17,23,25

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here