Chinese Horoscope Agosto 13

0
1192

Madame Winn

Ako'y 50 taong gulang na ngunit kayang-kaya ko pa ring mabasa ang sinasabi ng iyong kapalaran. Hangad ko ang kaligtasan at kalusugan ng sinumang magbabasa ng Chinese Horoscope natin.

Latest posts by Madame Winn (see all)

Tunghayan ang Chinese Horoscope Agosto 13.

Daga (Rat)

Ituon mo ang iyong pansin sa bagay na gustung-gusto mo. ‘Yan kasi ang magiging susi mo para ikaw ay magtagumpay. Huwag mo rin sanang kalilimutan na nong malit ka’y mabuti kang bata, kaya ang dapat, dalhin mo iyon hanggang sa’yong pagtanda.

Baka(Ox)

Marami kang enerhiya ngayong dahil natulog ka ng maga at kumain ka ng masusustansiya. Kaya, anuman ang gawin mo ngayon, magagawa mo nang maayos.

Tigre (Tiger)

Magkakaunawaan lang kayo ng taong nakasamaan mo ng loob kung mag-uusap kayo. Kaya huwag ka na magsayang ng oras. Ang dapat mong gawin, makipag-comunicate ka sa kanya.

Kuneho (Rabbit)

Lumipas na ang mahabang panahon kaya huwag mong asahan na hindi pa rin magbabago ang isang tao. Sabihin mo mang minahal ka niya ng labis dati, hindi dahilan iyon para umasa ka na hanggang ngayon ay may puwang ka pa rin sa kanyang puso.

Dragon

Ipagpaliban mo muna ang mga gawain kung masama ang iyong pakiramdam. Kailangan mo kasing pangalagaan din ang iyong sarili.

Ahas (Snake)

Marami ka pang kakaining bigas para maabot mo ang pangarap mo. Huwag kang malungkot. Darating din naman kasi ang panahon na magagawa mo ng makuha ang lahat ng gusto mo kaya ipagpatuloy mo lang ang mga pangarap mo.

Kabayo (Horse)

Tingnan mo ang mga taong nasa ibang lugar, nagdurusa sila sa panahon ng kalamidad. Kaya dapat ay makuntento ka sa kung ano ang mayroon ka.

Tupa(Sheep)

Iisa lamang ang trabaho mo kaya huwag mong pabayaan diyan. Baka mahirapan kang makakita pa o baka naman  hindi ka na makatagpo pa ng kasing ganda ng trabaho mo ngayon. Ang dapat mong gawin, pahalagahan ang lahat ng bagay na mayroon ka.

Unggoy (Monkey)

Kung minsan ay magseryoso ka rin sa buhay. Hindi maaaring puro pagpapatawa ang gagawin mo. Kawawa ka naman. Kainisan ka ng tao. Isa pa, sa pagpapatawa mo lang idinadaan ang kalungjkutang nararamdaman mo. Nahihiya ka kasing maging mahina at hindi dapat. Lahat naman kasi tayo ay may kanya-kanyang kahinaan.

Tandang(Rooster)

Huwag mong hangarin makuha ang mga bagay na hindi para sa’yo. Baka kasi maging daan ‘yan para ikaw ay maparusahan. Kapag nangyari iyon, ikaw lang din ang kawawa.

Aso (Dog)

Huwag mong pairalin ang katamaran. Kahit kailan, hindi ka aasenso niyan. Huwag mo ring isipin na kapag hindi ka nagtrabaho ay mayrong tutulong sa’yo. Hindi habang panahon ay nandiyan ang pamilya mo para ikaw ay tulungan.

Baboy(Pig)

Madali mo lang naman masosolusyunan ang problema sa’yong trabaho. Basta, wala kang makakasamaan ng loob. Ibig sabihin, kailangan mong maging mabuti sa’yong kasamahan. Kahit pa sabihing nakakataas ka sa kanila.  

Marami kang natanggap na regalo kaya naman masaya ka. Sana nga lamang ay magbahagi ka rin ng kasiyahan sa ibang tao. Ika nga, share your blessings.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope Agosto 13.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here